No class size limit para sa in-person classes — DepEd
- Published on July 16, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI magtatakda ang Department of Education (DepEd) ng class size limit sa oras na magpatuloy na ang face-to-face classes sa Nobyembre.
Sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na walang “prescribed class size” dahil magkakaiba naman school classroom situations.
Gayunman, tiniyak nito na ire-require pa rin ng DepEd ang mga eskuwelahan na tiyakin ang health protocols, partikular na ang physical distancing. Dapat aniya itong masunod habang nagkaklase.
“Hindi kami naglagay [sa department order] ng exact size ng class dahil iba-iba ‘yung situation ng lahat ng mga schools natin. There are no schools na pare-pareho sila exactly sa kanilang classrooms and sa kanilang teachers,”ang pahayag ni Duterte.
“So ang nilagay natin doon at in-approve din ng Pangulo during the cabinet meeting is that physical distancing shall be implemented whenever possible,” aniya pa rin.
Tinukoy ni Duterte ang DepEd Order No. 34, Kung saan inatasan ang lahat ng public at private schools na mag-shift sa limang araw na face-to-face classes simula sa Nobyembre 2.
Ayon sa nasabing kautusan, “distance and blended learning will no longer be allowed starting that day.”
Giit din ng kautusan na ipinagbabawal sa mga estudyante at school personnel ang pagkain ng magkakasabay sa loob ng eskuwelahan kung limitado ang espasyo.
“Naglagay lang din kami doon ng guide about eating dahil ito ‘yung isa sa mga instances na nagtatanggal tayo ng mask, na eating together should be prohibited,” ani Duterte .
Kung limited ‘yung spaces doon sa loob ng eskwelahan, para tayo ay maghiwa-hiwalay habang kumain ay we all eat facing the same direction. So hindi po magkaharap ‘yung mga tao,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Manibela at Piston bigo ang welga
NABIGO ang grupong Manibela at Piston na maparelisado ang transportasyon noong nakaraang April 30 at May 1 dahil karamihan sa mga operators at drivers ng mga public utility vehicle (PUV) ay hindi sumama sa ginawang welga. Matigas pa rin ang paninindigan ng Piston at Manibela na hindi sila susunod at makikilahok sa […]
-
Caloocan City Jail naka-heightened alert dahil sa riot
SINIBAK na sa pwesto ang Jail Superintendent ng Caloocan City Jail, matapos ang madugong riot na ikinasawi ng anim na preso at 33 ang sugatan. Ayon kay BJMP Spokesperson JSupt. Xavier Solda nag assume na ngayong araw bilang Officer-in-Charge ng pasilidad si Jail Superintendent Lloyd Gonzaga matapos alisin sa pwesto si Jail Superintendent […]
-
Be professional, don’t act beyond bounds
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga graduates o nagsipagtapos ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2022 na panatilihin ang kanilang propesyonalismo sa pamamagitan ng pagganap sa kanilang gampanin ng walang pagmamalabis sa kanilang legal parameters. “You must maintain professionalism for you will soon take over its leadership and will be […]