Gobyerno dapat maghanap ng bagong ‘funders’ kasunod ng pag-atras ng China sa big-ticket railway project – Salceda
- Published on July 18, 2022
- by @peoplesbalita
MARAMI pang mga ospyon ang gobyerno para mapondohan ang big-ticket railway projects. Ito’y matapos umatras ang China na pondohan ang nasabing proyekto.
Ayon kay House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hindi na kailangan pa na i- persuade ang China para tulungan tayo uli bagkus maghahanap na lamang ng ibang “funders” na popondo sa proyekto.
Sinabi ni Salceda ang bansang Japan ang nagbigay ng mga tren para sa bagong North-South Commuter Railway Project kaya naniniwala ito na ang Japan ang mag take over sa pagpopondo sa proyekto na inatrasan ng China.
Binigyang-diin ng mambabatas na ang pag-unlad ng ating bansa ay hindi dapat gamitin bilang diplomatic leverage sa mga inaakalang magkakaibigan.
Ayon kay Salceda, susubukan niya ang kaniyang makakaya kasama si Secretary Jaime Bautista at ang kaniyang network bilang dating tagapangulo ng Green Climate Fund at kasalukuyang adviser sa Incheon Metropolitan City sa Korea kung aling mga bansa ang willing na pumalit sa China.
Aniya, hindi lang China ang nagsusulong ng pagpopondo sa mga proyekto ng tren sa bansa gaya na lamang ng bansang Singapore na namumuhunan nang malaki sa pribadong sektor sa Pilipinas.
Inihayag ni Salceda na ang South Korea ay nagbigay din ng mas maraming tulong at foreign grants sa bansa. (Daris Jose)
-
FIRST Trailer for ‘Split’ Director’s New Film ‘Old’ Teases Time-Twisting Terror
MANY of us seem to have a fear of growing old, and the feeling that time’s running out for us. And it seems that director M. Night Shyamalan will be exploring this fear in his upcoming film, Old. Its first trailer has been released which gives us a first glimpse at this […]
-
NAGTAGO NG 17-TAON, TAIWANESE NATIONAL, NAARESTO SA QUEZON
MAKARAAN ang 17-taon na pagtatago sa awtoridad, naaresto rin ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kababayan sa Taipe. Kinilala ang suspek na si Huang Kuan-I, 53, na naaresto ng BI fugitive search Unit (FSU) sa bayan ng Real Quezon, sa kanilang ulat kay Immigration […]
-
PBBM pinatitiyak sa DENR na magkaroon ng access sa malinis na tubig ang 40-M Filipinos
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga concerned agencies ng gobyerno na tutukan ang nasa 40 million Filipinos sa bansa na hanggang ngayon wala pa ring access sa portable water. Sinabi ng Pangulo na nais nito na sa lalong madaling panahon mabigyan na ng fresh waters ang mga kababayan natin. Inihayag naman ni Dr. […]