• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

82% ng Pinoy tiwalang ‘kapanipaniwala’ 2022 elections — Pulse Asia

NANINIWALA ang karamihan ng mga Pilipinong “tumpak” at “kapani-paniwala” ang naging resulta ng katatapos lang na May 2022 national elections, paglalahad ng Pulse Asia Research sa panibago nilang pag-aaral.

 

 

Ito ang lumalabas sa kanilang Ulat ng Bayan survey na ikinasa mula ika-24 hanggang ika-27 ng Hunyo, bagay na inilabas sa media ngayong Lunes.

 

 

Narito ang nagsasabing “malaki” ang pagtitiwala nila sa kinalabasan ng resulta ng halalan:

 

Buong Pilipinas (82%)

Metro Manila (84%)

Luzon (73%)

Visayas (85%)

Mindanao (96%)

Batay sa uri, narito naman ang mga nagsasabing malaki ang tiwala nila sa mga resulta:

ABC (79%)

D (82%)

E (81%)

 

 

“Trust is most pronounced in Mindanao (96%) and leastmanifest in the rest of Luzon (73%) while essentially the same figures are posted in the different classes,” paliwanag ng Pulse Asia.

 

 

“In contrast, 4% of Filipino adults express distrust while 14% are ambivalent on the matter.”

 

 

Lalo namang mas matataas ang bilang ng mga nagsabing madali ang paggamit ng mga VCMs, bagay na pumalo sa 95%.

 

 

Ito’y kahit na umabot sa halos 1,900 vote counting machines ang sinasabing nagkaroon ng problema kahit na wala pang kalahating araw ng botohan noong ika-9 ng Mayo.

 

 

Dahil sa mga problema, marami pa ring mga nakapila sa mga polling precincts kahit 11 p.m. na — ito’y kahit 7 p.m. ay tapos na dapat ang botohan.

 

 

Mahigit tatlong kapat (3/4) ng adult population naman ng Pilipinas, o 72%, ang nagsabing primaryang nakatulong ang mas mabilis na transmission ng mga resulta ang pangunahing magandang naidulot ng automated polls ngayong taon.

 

 

Para naman sa 15%, sinasabi nilang ang pagpapadali ng proseso ang primary benefit habang 11% naman ang nagsabing naging mas credible ang halalan dulot nito. Sa kabila niyan, 1% ang nagsabing wala itong naging benepisyo sa kabuuan.

 

 

“Preference for having automated elections in the future is expressed by 89% of Filipino adults,” patuloy pa ng research firm.

 

 

“Only 4% of adults have a contrary opinion on the matter while 7% cannot say if they would or would not like to see automated voting continued in future Philippine elections.”

 

 

Ang survey, na ginamitan ng face-to-face interviews, ay isinagawa sa 1,200 katao na edad 18-anyos pataas. Meron itong ± 2.8% error margin sa

95% confidence level.

 

 

Una nang kinundena ng mga progresibong grupo ang 2022 elections bilang isa sa “pinakamarumi,” dahil aniya sa malaking iregularidad, pagkasira ng mga makina at pandarayang ginamit ng ilang kampo gaya na lang ng pagpapakalat ng disinformation at historical denialism.

 

 

Sa kabila nito, iginigiit ng Commission on Elections na ito ang “best” elections sa kasaysayan, lalo na’t transparent daw ito at nagbunsod ng “pinakakaonting” problema.

 

 

Matatandaang nananalo bilang pangulo si Ferdinand Marcos Jr. sa naturang eleksyon, habang nakuha naman ng kanyang bise na si Sara Duterte ang ikalawang pinakamataas na pwesto sa gobyerno. (Daris Jose)

Other News
  • Kaya sinabihan na hilaw ang pagiging Kakampinks… VICE GANDA, kapansin-pansin ang ‘di pag-i-endorse kay Sen. KIKO

    ISA si Vice Ganda na surprise guest sa NCR grand rally ni Vice President Leni Robredo na ginawa sa Pasay City noong Sabado.     Birthday ni VP Leni that day kaya mas special ang pagtitipon ng mga Kakampinks para sa presidential aspirant.     Pero ang napansin ng ibang dumalo sa rally ay ‘yung […]

  • P20.28-M na pinsala sa agri sector dulot ng pagputok ng bulkang Bulusan

    PUMALO na sa kabuuang P20.28 million ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura na naidulot ng pagputok ng bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo lamang.       Ang naturang tala ay mula sa tatlong bayan na apektado ng pagbagsak ng abo, partikular na ang Casiguran, Juban at Irosin.       Pinakamalaking bahagdan ng […]

  • DOTr: Sinimulan ang pag-aaral ng privatization ng EDSA busway; LTO maghihigpit sa overloading

    SINIMULAN  na ng Department of Transportation (DOTr) ang paghingi ng mga insights mula sa pribadong sektor para sa planong privatization ng EDSA busway.     Humingi ng mga feedback mula sa mga posibleng investors ang DOTr na gustong magtayo, mag-operate at mag-maintain ng transport projects sa ilalim ng public-private partnership (PPP) scheme ng pamahalaan.   […]