• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MARAMING pamilya ang inaasahang magugutom dahil sa taas-presyo sa mga bilihin – PH Nutrition Council

Nagbabala ang National Nutrition Council (NNC) na maraming pamilya ang magugutim dahil sa sunod-sunod na inflation o pagmahal ng presyo ng mga pagkain.

 

 

Sinabi ni NNC’s Nutrition Information and Education Division Chief Jovita Raval na maaari rin itong humantong sa “poor nutrition” sa mga pamilya, lalo na sa mga bata.

 

 

Aniya, mahigit 3 milyon pamilya ang nakaranas ng gutom sa unang mga buwan nitong taon dulot ng Covid-19 pandemic base sa recent hunger incidence surveys.

 

 

Dahil dito, hinimok ni Raval ang mga Pilipino na e-priority ang pagbili ng pagkain kaysa bisyo o ibang bagay.

 

 

May mga klase naman ng pagkain ang mura gaya ng mga gulay.

 

 

Idinagdag pa ni Raval na dapat na higit pang makipag-ugnayan ang gobyerno sa sektor ng agrikultura at magbigay ng mas maraming programang pangkabuhayan at hanapbuhay upang labanan ang hunger incidence.

Other News
  • Oil price rollbacks, nakita sa pagbaba ng presyo ng langis sa World Market- ekonomista

    ANG pagbaba sa presyo ng langis sa  world market ay isang  ‘welcome news’ sa mga mamimili.     Inaasahan na mata-translate ito sa mas pagbaba ng  fuel costs at sa kalaunan ay  mabawasan ang presyur sa inflation.     Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni Rizal Commercial and Banking Corp. (RCBC) chief […]

  • VCM at election materials, sinimulan nang ipadala sa mga lalawigan – Comelec

    SINIMULAN  nang ipadala noong Sabado ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machine (VCM) at iba pang Automated Election System (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inumpisahan na ring ilagay sa mga truck ang mga VCM at ballot boxes.     Uunahing hatiran […]

  • Ads July 24, 2023