7 KATAO TIMBOG SA TUPADA
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
PITONG mga sabungero ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng ilegal na tupada sa Malabon city, kamakalawa.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naaresto na si Ronel Pacite, 43, Rizaldy Mendez, 41, Rey Loyogoy, 31, George Aclaracion, 31, Ervin Gonzaga, 33, Lorenzo Ching, 42, at Pejel Cuenco, 47.
Sa imbestigasyon ni PSSg Jeric Tindugan at PCpl Michael Oben, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng Station Intelligence Section at Sub-Station 5 sa pangungun ni PLT Ferdinand Espiritu at P/Capt. Carlos Cosme Jr. matapos ang natanggap na reklamo hinggil sa nagaganap na illegal na tupada sa Orchids St. Brgy. Longos.
Pagdating sa naturang lugar, naaktuhan ng mga pulis ang mga nagtu-tupada kaya’t agad silang nagpakilalang mga pulis bago inaresto ang mga suspek.
Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari pa at P2,800 bet money.
Sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa PD 1602 amended by RA 9287 ang mga suspek sa Malabon City Presecutors Office. (Richard Mesa)
-
PBBM pinatitiyak sa DENR na magkaroon ng access sa malinis na tubig ang 40-M Filipinos
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga concerned agencies ng gobyerno na tutukan ang nasa 40 million Filipinos sa bansa na hanggang ngayon wala pa ring access sa portable water. Sinabi ng Pangulo na nais nito na sa lalong madaling panahon mabigyan na ng fresh waters ang mga kababayan natin. Inihayag naman ni Dr. […]
-
AJ, umaming nagpa-enhance ng kanyang boobs at plano nang ipatanggal
SA virtual media conference ng latest Vivamax Original movie na Crush Kong Curly, may ipinagtapat ang Pandemic Star na si AJ Raval na nagpa-breast enhancement siya last year. May nag-suggest daw sa kanya na magpalaki ng boobs at dahil na-excite siya ay nagpa-breast implants siya na ngayon ay pinagsisisihan na niya. Kuwento […]
-
Sa gitna ng VAT sa foreign DSPs: Pagtaas sa monthly subscriptions, ‘minimal’ lang -BIR
MAAARING asahan ng publiko ang ‘minimal’ price increase sa kanilang monthly subscriptions. Kasunod ito ng paglagda sa batas na magpapataw ng value-added tax sa foreign digital service providers. Sa press briefing sa Malakanyang, tinanong kasi si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. kung mararanasan ng mga consumers ang price increase […]