Mga ama, dapat na magbigay ng child support alinsunod sa batas-DSWD
- Published on July 25, 2022
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo ang lahat ng field offices ng departmento na maging handa na tulungan ang mga ina na naghahanap ng child support mula sa ama ng kanilang anak o mga anak.
Sinabi ni Tulfo, alinsunod sa Article 195 ng Family Code, binigyang diin nito na ang mga magulang ay “legally required” na suportahan ang kanilang mga anak.
Nakasaad din sa Article 194 ng Family Code na “support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.”
“Linawin ko lang po na hindi ko naman sinabi na kakasuhan namin agad ang hindi nagbibigay ng child support. Nasa batas po kasi natin, matik sa batas na kailangang suportahan ang bata. Maaring pinansiyal, o pag-aralin mo. Ang sinasabi ko, kung may trabaho at usually malalaman natin yan sa misis kung may trabaho,” ayon kay Tulfo.
Ayon naman sa Article 201 ng Family Code, “The amount of support…shall be in proportion to the resources or means of the giver and to the necessities of the recipient.”
Sa kabilang dako, hinikayat ni Tulfo ang mga ina na dalhin ang kanilang mga concerns sa DSWD, maaari aniyang humingi ng tulong o magpasaklolo ang mga ina sa DSWD para makakuha ng suporta mula sa ama ng kanilang anak o mga anak.
Gaya ng nakasaad sa Article 203 ng Family Code, “The obligation to give support shall be demandable from the time the person who has a right to receive the same needs if not for maintenance, but it shall not be paid except from the date of judicial or extra-judicial demand.”
Idagdag pa ng kaparehong probisyon na, “payment shall be made within the first five days of each corresponding month or when the recipient dies, his heirs shall not be obliged to return what he has received in advance.”
“Pwede po kayong lumapit sa amin sa DSWD, kung may mga tatay na ayaw magsustento sa mga anak nila, provided na yung tatay ay may trabaho o may kinikita. Susulatan po namin, magdedemand kami na sustentuhan niya yung anak niya. Otherwise, ipapasa po namin ito sa korte, bahala na po ang Public Attorney’s Office (PAO). Tutulungan din po natin na ilapit sa IBP para magsampa ng kaso,” ayon kay Tulfo. (Daris Jose)
-
Maraming nadismaya na ‘di pumasok sa Top 16 si Celeste: Fil-Am na si R’BONNEY GABRIEL, kinoronahang ‘Miss Universe 2022’
NAGWAGING Miss Universe 2022 si Miss USA R’Bonney Gabriel sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana, USA. Kinabog ng 28-year old Filipino-American from Houston, Texas ang mahigpit niyang nakalaban sa Top 3 na sina Miss Dominican Republic Adreina Martínez (2nd runner-up) at Miss Venezuela Amanda Dudamel (1st runner-up). Si Gabriel […]
-
KRISTOFFER, inamin na rin na karelasyon na ang Kapuso actress na si LIEZEL
INAMIN na rin ni Kristoffer Martin ang relasyon nito sa Kapuso actress na si Liezel Lopez. Sa programang The Boobay and Tekla Show nagsalita ang Kapuso actor tungkol sa nabalitang pagkakaroon nila ng relasyon ni Liezel habang nasa lock-in taping sila ng teleseryeng Babawiin Ko Ang Lahat. “Yes at yun ang […]
-
Tambay kulong sa hindi lisensyadong baril sa Navotas
TIMBOG ang 22-anyos na tambay na nag-iingat ng hindi lisensiyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang tirahan sa bisa ng search warrant sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Bago nadakip ang suspek na si alyas “Buboy”, nakatanggap na ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas City Police Chief P/Col. Mario Cortes hinggil […]