• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit bad trip, ‘di malilimutan ang muling pagbisita: MICHAEL V, idinaan na lang sa biro ang pagkakaroon uli ng Covid-19

NAGBIRO pa si Michael V. sa Instagram post niya na “ROUND 2… FIGHT!”

 

 

“Nakatanggap ako ng notification from my old friend, Covid. Matagal na kaming hindi nagkikita. Actually sinabihan ko na s’ya na ‘wag nang bumalik pero eto na naman s’ya… magha-“HI” lang daw at magpapa-alaala na nandito lang s’ya sa tabi-tabi. Hindi naman daw talaga s’ya umalis, palipat-lipat lang s’ya ng bahay.

 

 

“Kesyo nagbago na raw s’ya; hindi na raw s’ya kasing-lala nu’ng dati… pero hindi pa rin ako naniniwala’ “once a killer…” well… Syempre, inabala n’ya na naman ‘yung pamilya ko, ‘yung community namin, ‘yung trabaho ko… pati asawa ko dinamay pa!

 

 

“Pero hindi ko naman s’ya masisi! Kasi hindi rin naman s’ya nagkulang ng paalaala. Talagang matigas lang ang ulo ng mga tao minsan.

 

 

“Kaya Covid, eto ang message ko sa ‘yo: Hindi ka pa rin welcome sa bahay. Pero salamat na rin sa dalaw. Hayaan mo… kahit bad trip ako sa ‘yo, hinding-hindi kita makakalimutan.

 

 

“Stay safe everyone!”

 

 

***

 

 

TODAY, July 25, magsisimula nang mag-host si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ng “TiktoClock,” ang pinakabagong countdown variety show ng GMA, na co-host niya sina Pokwang at Kuya Kim Atienza.

 

 

Pero bago iyon, nagkaroon muna ng showbiz podcast si Rabiya with Nelson Canlas of GMA News & Public Affairs, at doon marami siyang inamin tungkol sa sarili, at sa kanyang single-mom at younger brother.

 

 

Lumaki raw siyang para silang mga “NPA,” or ‘no permanent address,’ nagri-rent daw lamang kasi sila noon ng bahay at napapalayas kapag hindi makabayad. Pero sa kabila ng kahirapang pinagdaanan, naging laging positive si Rabiya sa pananaw niya sa buhay.

 

 

“Hindi naman siya naging traumatic sa akin, pero naaawa ako sa mama ko,” sabi ni Rabiya. “Pero iyon ang nag-motivate sa akin to work hard to help my family. Nag-aral ako at naging full-scholar sa college, isinabay ko rin ang pagtatrabaho ko. Nang mag-graduate akong cum laude, pumunta na ako ng Manila, iniwan ko sina mama sa Iloilo, I need to work para mapag-aral ko ang brother ko, kasi promise ko iyon sa kanya.”

 

 

After niyang mag-compete sa 2020 Miss Universe, pagbalik niya sa bansa, nag-decide na siyang pasukin ang showbiz at last year, naging Sparkle GMA Artist na siya. Nagsimula na siyang umarte at nagawa niya ang fantasy-drama na “Agimat ng Agila” with Senator Bong Revilla.

 

 

And now, regular host na nga siya ng “TiktoClock,” Monday to Friday, 11:15 am, before “Eat Bulaga”.

 

 

***

 

 

TODAY sana mapapanood na ng netizens na sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime drama series na “Apoy sa Langit” ang maiinit na eksenang matagal na nilang inaabangan, pero preempted ang serye ng SONA ni President Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

Kaya bukas na, July 26, mapapanood nang live sa Kapuso Stream sa Facebook at YouTube ang episode na magtatampok kina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos at Lianne Valentin, sa maiinit na mga eksena na kanilang inaabangan.

 

 

Nagsimula ito nang matunton na ni Ning (Mikee) ang bahay ng tiyahin ni Stella (Lianne). Pero naunahan siya ni Zoren without knowing nito na nakuha naman ni Ning ang papers ni Stella na magpapakilala kung sino siya talaga at kung ano ang tunay na relasyon nila ni Cesar.

 

 

Si Gemma (Maricel) naman ay bumabalik na ang katinuan, lingid sa kaalaman nina Cesar at Stella, kaya siya pa ang unang makakakita ng mga ginagawa nila.

 

 

Paano kaya ito tatanggapin ni Gemma at dito na ba lalabas ang galit ni Ning, sa matagal nang panloloko nina Cesar at Stella sa kanilang mag-ina?

 

 

Sa live stream at 2:00 pm, pwedeng maki-react at makipagkuwentuhan ang netizens sa cast ng “Apoy Sa Langit.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Grand Prix sa Japan kinansela dahil sa COVID-19

    Muling kinansela ang Japanese Grand Prix dahil sa banta ng COVID-19.     Ito na ang pangalawang magkasunod na taon na kinansela ang nasbing karera.   Gaganapin sana ito sa Suzuka sa darating Oktubre 10.     Ayon sa Forumula One organizares na mismo ang gobyerno ang nagdesisyon na kanselahin ang nasabing laro dahil sa […]

  • Police power kailangan laban sa agri smugglers- DA exec

    BINIGYANG diin ng Department of Agriculture (DA) ang pangangailangan para sa ahensiya na mabigyan ng police power para arestuhin at kasuhan ang mga smugglers sa bansa, maging ito man ay technical o outright.     Iginiit ni Agriculture Undersecretary Fermin Dantes Adriano na limitado kasi ang kanilang kapangyarihan sa ilalim ng batas at umaasa lamang […]

  • Estudyante isinelda sa P136K shabu sa Valenzuela

    KULONG ang 20-anyos na estudyante matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sa pagkakaaresto […]