• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vape Bill, tuluyan nang naging batas, kahit ‘di nilagdaan ng Pangulo

GANAP nang naging  batas ang kontrobersiyal na Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act o mas kilala bilang Vape Bill.

 

 

Ito’y kahit hindi nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bill.

 

 

Nagpaso na rin kasi ang kapangyarihan ng presidente na i-veto ito, matapos lumagpas sa isang buwan na hindi naaksyunan ang enrolled bill na ipinadala sa Malacanang.

 

 

Ang naturang panukala ay naratipikahan ng Senado at Kamara noong Enero 26, 2022.

 

 

Layunin ng batas na ma-regulate ang importasyon, manufacturing, pagbibenta, packaging, ditribusyon, at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotin products.

 

 

Sa ilalim nito, binibigyang kapangyarihan ang Department of Trade and Industry (DTI), na magtakda ng technical standards para sa vape products.

 

 

Tanging 18-anyos pataas lamang ang papayagan na gumamit o bumili ng produkto. (Daris Jose)

Other News
  • Tanod, 4 pa timbog sa drug buy bust sa Valenzuela

    Arestado ang limang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang barangay tanod sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Ayon kay PCpl Christopher Quiao, dakong 9:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na kinabibilangan nina PCpl Jhun Ahmard Arances, PCpl […]

  • Halaga ng government loan na magagamit para ipambili ng bakuna, aabot sa $1.3B

    TINATAYANG aabot $1.3 billion dollar ng government loans ang magagamit ng gobyerno para maipambili ng COVID-19 vaccines.   Sinabi ni Vaccine Czar sec. Carlito galvez, na sa kasalukuyan, malapit na ng ibayad ang halagang ito sa pharmaceutical company na Moderna.   Malapit na kasing matapos ang negosasyon para sa pag-aangkat ng bansa ng Moderna vaccine […]

  • 5 ‘tulak’ nadakma sa buy bust sa Valenzuela, P285K shabu nasamsam

    TINATAYANG halos P.3 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa limang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Sa isinumiteng ulat ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria, dakong alas-5 ng madaling araw nang magsagawa ang […]