• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TAGUIG, UNANG SIYUDAD SA NCR NA MAY LISENSYADONG HEALTH CENTERS BILANG PRIMARY CARE FACILITIES

NAUNA ang dalawang Health Centers sa Lungsod ng Taguig ang nabigyan ng license to operate  bilang Primary Care Facilities (PCF) ng Department of Health (DOH).

 

 

Ang Calzada Health Center at Hagonoy Health Center ay may licensed to operate hanggang December 31, 2024  alinsunod sa Administrative Order No. 2020-0047 na  sumasakop sa lahat ng pampubliko at pribadong PCFs, maliban sa  outpatient department ng mga ospital at infirmaries.

 

 

Layunin ng PCFs na magbigay ng pangunahin at patuloy na aruga at pangangalaga sa mga pasyente gamit ang komprehensibo at coordinated na serbisyong medikal.

 

 

Ang paggawad ng lisensya sa PFCs ay kailangan upang matugunan at maisakatuparan ang layunin ng Universal Health Care (UHC) Act. Tinitiyak ng lisensiya na ang PCF ay madaling mapuntahan, abot-kaya ang halaga, ligtas sa bawat mamamayan, at nagtataglay ng pinakamataas na kalidad sa pagbibigay ng pangangalaga at benepisyong kalusugan sa mga tao.

 

 

Iniaatas ng Universal Health Care Law na ang lahat ng Filipino ay agad na maging miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sa ilalim ng batas na ito,  may karapatan ng bawat mamamayan na  tumanggap ng mga benepisyong pangkalusugan. Layunin din nito na pag-isahin ang provincial health systems at nakagawa ng multi-sectoral policy action.

 

 

Ipinaalala naman ni Mayor Lani Cayetano na isa sa mga layunin ng kanyang administrasyon ang ipagpatuloy ang pagpapalawak ng pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa lungsod.

 

 

“Naniniwala kami na upang maging angkop ang lokal na pamahalaan sa mabilis na pagbabago ng ating komunidad, kailangan nating masiguro ang magandang kalusugan ng ating mamamayan at kanilang kapaligiran. Ang kalusugan ay mahalaga upang gumana ng maayos at normal ang ating lipunan, kaya naman kailangan nating ipagpatuloy ang pagbalangkas ng mga epektibong programa para sa ating mga kababayan sa lungsod ng Taguig,” wika ni Mayor Lani. (Gene Adsuara)

Other News
  • Nahulog sa kama at nabagok: Sikat na impersonator na si WILLIE, pumanaw na

    PUMANAW na ang impersonator, satirist, and comedian na si Willie Nepomuceno sa edad na 75.     Sa Facebook in-announce ang pagpanaw ni Willie Nep.     “To our family, loved ones, and friends, it is with deep sadness and heavy heart to announce the passing of our beloved father, WILLIE NEPOMUCENO on July 26, […]

  • Panukalang amyenda sa data privacy act, pasado sa Komite

    Inaprubahan ng House Committee on  Information and Communications Technology ang substitute bill sa House Bills 1188 at 5612, na naglalayong amyendahan ang Republic Act 10173 o ang “Data Privacy Act of 2012.”     Layon ng panukala na tugunan ang hamon sa data privacy, usapin sa cross-border data processing sa bansa at paunlarin ang proteksyon ng […]

  • Time out muna sa pagtulong kay Dingdong: BENJIE, magtuturo sa aspiring basketball players sa Cebu

    TIYAK na mapapa-‘shoot that ball’ ang mga Cebuano young hoopers sa pagdayo ni Benjie Paras sa Lapu-Lapu City ngayong araw, August 5 para sa ‘GMA Masterclass: The Sports Series.’     Time out nga muna si Otep (Benjie) sa pagtulong kay Napoy (Dingdong Dantes) resolbahin ang pagkamatay ni Don Gustavo (Tirso Cruz III) sa ‘Royal […]