Sa pinag-uusapang balita na nabuntis si AJ… ALJUR, mahirap maging jowa at ka-bonding ayon kay RR
- Published on July 27, 2022
- by @peoplesbalita
PINANGATAWANAN na talaga at ini-enjoy ni RR Enriquez ang pagiging sawsawera sa mga isyu sa showbiz, kaya naman inaabangan na rin ng mga netizens ang kanyang opinyon.
Ang latest ay nakisawsaw siya sa isyu na nabuntis daw ni Aljur Abrenica ang girlfriend si AJ Raval. Na hanggang ngayon ay pareho pa ring nananahimik at wala pang pag-amin kung totoo ba ang pinag-uusapang balita.
Kaya sa IG post ng aktres, sinimulan niya ito ng, “Ang daming sasawsawan na issue!! Ang saya saya🤣 CHAR!!
“Lalo tuloy ako na-inspire sumawsaw dahil sa guesting ko kahapon sa @tropanglol as one of their celebrity player for MARITEST😂 (Swipe)
“Nag-enjoy ako sa game na yun at nanalo ako ng 40thousand pesos!!
“Oh diba napakinabangan ko ang pagiging sawsaweRRa!? Baka next thing you know mag balik na ako sa showbiz as one of SawsaweRRa Queen palit kay Manay Lolit at Manay Cristy..
“Mindset ba mindset! More income more fun😅 CHAROT😂😅 Syempre walang papalit sa mga yun😜”
Tungkol naman sa Aljur-AJ issue, pananaw niya…
“On a serious note if totoo man ito…. “My goodness gracious….. Blessing naman talaga ang baby ❤️🙏🏼 Pero gaya nga ng sinabi ko the other day, sana kung kaya naman. Please don’t rush na mag asawa or mag pabuntis.. Think about your future first… May ipon na ba? Nakapag pundar na ba?
“Well hindi ko naman sinasabing katapusan na ng mundo mo if nag asawa ka ng bata at nag anak ka ng bata… But what I’m trying to say is, limitado na ang bawat kilos at galaw mo coz you don’t decide for yourself anymore. You have to think about your partner (or if single parent) you have to think of your kids before making a drastic decisions… Yun lang. Ang daming iku consider…
“Kaya ang pag aasawa at pagbi baby naniniwala ako na dapat pinaplan talaga.. Kaya nga may family planning CHAR😅.”
Pagtatapos pa ni RR, “Ito naman si Aljur kung totoo man yan, nakakalowkah ka.. Ang hirap mo maging jowa. Gusto mo anak ng anak agad. Panget ka ka-bonding CHAR😝
“Anyways bahala kayo decission nyo yan.. malalaki na kayo… Bye ✌️😋 #QueenSawSaweRRa #SawSaweRRaWithAHeart”
Marami naman ang natuwa sa kanyang post at nag-comment, kahit na ‘yun iba ay nawindang talaga sa sinabi niyang, ‘ang hirap mo maging jowa at panget ka ka-bonding’:
“maganda ka magpayo..keep it up..di ka rude..dinadaan mo sa pagka comedy pero may tama ka dyan. ganyan dapat..youre doin it right. char din😀”
“Ang witty ng comment mo RR 👏make sense as always nde lng un my masbi lang.”
“Ang tahimik nila, baka totoo, abangan pag may lumabas na.”
“Ikaw ang sawsawera na may kinapupulatang aral.”
“Si kylie nga na mas maganda at isang Padilla iniwan e, sya pa kaya ❤️”
“Buti nalang magaling umarte si Kylie, kahit mommy na may career pa rin. Yang si @ajravsss wala pang baby wala ng makuhang matinong role, lalo pa kaya pag nagkaanak na. Tapos iiwan pa ni Aljur, iyak talaga yan 😂😂😂
“Sayang ang career ni girl then after manganak iiwan lng ni aljur..chariz.
“Aljur ang KJ mo dong. Lahat nang GF na nasa peak nang career buntisin agad eh hindi ka pa naman stable. Hindi ma natuto.”
(ROHN ROMULO)
-
PBBM sa mga Dam Operators: Release water ahead of heavy rains to mitigate flooding
IPINAG-UTOS ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Miyerkules, sa mga dam operators na dahan-dahang pakawalan ang tubig bago pa ang inaasahan na malakas na pag-ulan dala ng bagyo. Hangad ng Pangulo ang maagang paggalaw para matulungan at protektahan ang mga Filipino mula sa epekto ng Tropical Storm ‘Kristine’, “This would […]
-
‘Talk To Me’ Blends the Creepiness of a Ghost Tale for the Insta-Gen
Talk to Me is a 2022 Australian supernatural horror film directed by the filmmaking duo (and twin brothers) Danny and Michael Philippou of @RackaRacka YouTube channel fame, in their feature directorial debut, and written by Danny Philippou and Bill Hinzman from a concept by Daley Pearson. The film stars Sophie Wilde as a young woman who becomes embroiled with the supernatural […]
-
TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco
TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco ang mga award na nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa 2024 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR). Kasama ni Tiangco sina City Planning and Development Officer Engr. Rufino M. Serrano, Navotas DILG OIC Director Jenifer G. Galorport, Dr. […]