Mga private school teachers kailangan din ng salary increase tulad ng public school teachers
- Published on July 29, 2022
- by @peoplesbalita
TINULIGSA ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang Department of Education sa pagtanggi nito sa hinihinging salary increase ng mga guro mula sa public at private sectors.
Ayon sa mambabatas, dismayado at nababahala siya sa pahayag ng DepEd na hindi prayoridad ang upgrading o dagdag sahod ng mga guro sa public school.
Aniya, naiiwan ang mga public school teachers ng ibang propesyon sa kabila na may kahalintulad silang kuwalipikasyon.
Pinakamababa ang sahod ng mga guro kumpara sa ibang teachers sa ibang southeast Asian countries.
“For the longest time, the government has been denying public school teachers salary increases by pitting their salaries against teachers in the private sector, which is wrong because most private school teachers are paid at very low rates, even near-starvation salaries. Salaries of public school teachers should set the standard for salaries in the private school, not the other way around,” dagdag ni Castro.
Matagal nang nasa frontline ang mga guro sa pagbibigay ng edukasyon sa kabila ng kakulangan ng suporta mula sa gobyerno, gamit ang sariling pera para ipambili ng learning materials, o internet connection para sa blended learning modalities.
Isinulong ng partylist ang House Bill 203 o An Act Upgrading the Salary Levels of Public School Teachers to Salary Grade 15 and Teaching Personnel in Higher Education to Salary Grade 16, and Increasing the Salaries of Non-Teaching Personnel to P16,000.
Kabilang na ang House Bill 562 o An Act Increasing the Minimum Salaries of Private School Teachers to P30,000 per month. (Ara Romero)
-
QC LGU nakiisa sa proyekto ng DOH at USAID
NAKIISA ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa culminating activity ng Department of Health (DOH) at United States Agency for International Development (USAID) na pinamagatang “Padayon: The DOH-USAID Shared Journey Towards a Healthy Pilipinas”. Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si DOH Sec. Ted Herbosa at mga kinatawan ng USAID sa pangunguna ni Asst. […]
-
Kung si JOHN LLOYD ay may sitcom: BEA, inaabangan ng netizens kung lilipat na ba sa Kapuso Network
SURE na kaya ang pagiging Kapuso talent ni John Lloyd Cruz? Special guest si JLC ni Willie Revillame para sa 6.6 Mid-Year Sale TV Special! ng Shopee at may tsismis na may gagawin din itong TV sitcom kung saan makakatambal nito si Andrea Torres, ang ex-GF ni Derek Ramsay (na bf naman ngayon […]
-
Record high na pondo sa 2023 ni presumptive Pres. Marcos, papalo sa P5.268-T – DBM
PAPALO raw sa P5.268 trillion ang full-year budget ng papasok na administrasyon si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2023. Inanunsiyo ni Department of Budget and Management (DBM) officer-in-charge Tina Rose Marie Canda ang panukalang national budget sa isang virtual press briefing. Kasunod na rin ito ng 181st meeting ng […]