• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, muling isinulong ang ROTC revival pitch matapos ang Northern Luzon quake

MULING isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuhay sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa mga eskuwelahan.

 

 

Para sa Chief Executive, kailangang matuto ng mga kabataang Filipino ng  disaster-preparedness skills bunsod na rin ng kamakailan lamang na magnitude 7 earthquake na umuga sa ilang bahagi ng Northern Luzon.

 

 

Sa naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa mga  quake-hit provinces, sinabi nito na nakita niya ang pangangailangan na mas maraming kamay para  sa disaster zones.

 

 

“Mas marami rin tayong maihahanda na sibilyan sa ganitong disaster response sa pamamagitan ng ROTC program,” ayon sa Pangulo sa kanyang weekly vlog.

 

 

“Hindi lang naman national defense ang itinuturo sa kanila kung ‘di disaster preparedness at capacity building para dito sa risk-related situations na tinuturo sa kanila,” anito.

 

 

“Although likas na sa ating mga Pilipino ang maging matulungin, iba pa rin pag may training at tamang paghahanda sa pagresponde,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang hangarin ng Pangulo na muling buhayin ang ROTC program at dahil na rin sa  disaster-prone country ang Pilipinas.

 

 

“Ang bansa natin ay nasa Ring of Fire, typhoon belt. Tayo rin ang pinakamataas sa risk sa mga epekto ng climate change,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“Takaw sakuna ang ating lokasyon kaya hindi tayo dapat magkulang sa paghahanda,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) na hihilingin niya sa Kongreso na gumawa ng bagong batas para gawing mandatory muli ang pagkuha ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ng mga estudyante na nasa Senior High School o nasa Grade 11 at 12.

 

 

Saklaw nito ang mga estudyante na nasa public at private tertiary schools.

 

 

“Bukod sa mga kalye at mga gusali ay matindi rin ang pinsala sa ating mga heritage sites lalong lalo na ‘yung mga katedral, mga simbahan. Ito ay nasira at kailangan irestore agad,” anito.

 

 

“Kaya naman lahat ng ating mga itatayong gusali o istraktura ay dapat disaster proof na mula sa mga kalye, mga building, pati na rin ‘yung heritage sites, eskuwelahan, ospital, mga bahay ng ating mga mamamayan,” aniya pa rin.

 

 

“Most of the major roads have been cleared of debris, and only one bridge remains closed,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“Sa Bangued, ‘yung provincial hospital nila nagkaroon ng sira kaya lahat ng provincial hospital sa ngayon ay nasa ilalim ng mga tent kaya minamadali namin ang pag-ayos sa ospital at pagpapdala ng mga generator para mapaandar na,” ayon sa Pangulo sabay sabing Yung mga evacuees, maayos naman ang kalagayan. Kumpleto naman ang pagbigay sa kanilang mga pangangailangan.”

 

 

“Sila ay nag-aantay na lang na mainspeksyon ang kanilang mga bahay para matiyak na maaari na nila itong balikan,” lahad ng Pangulo.

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang lahat ng mga  private individuals na nagbigay ng tulong sa mga biktima ng lindol sa  Luzon.

 

 

“Maraming maraming salamat. Lahat yan ay nagamit na ng mga biktima,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“Gaya ng iba pa nating nilampasan na pagsubok, tiyak na hindi tayo magpapatinag dito sa nakaraang trahedya,” aniya pa rin sabay sabing, “Mag-ingat po tayong lahat at laging tandaan na sa anumang atin pang haharapin, ang diwa ng ating pagka-Pilipino ay mananatiling maningning.” (Daris Jose)

Other News
  • Incentives ni Onyok Velasco na P500,000 naibigay na – Palasyo

    Naibigay na ng gobyerno ang inaasam na pagkilala kay 1996 Atlanta Olympic silver boxing medalist na si Mansueto “Onyok” Velasco.     Kasama kasi si Velasco na binigyan ng parangal kasabay ng mga nagwagi sa 2020 Tokyo Olympics.     Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naggawad ng Order of Lapu-Lapu, rank of Kamagi at […]

  • Aminadong magiging spoiler na lola: SYLVIA, super excited na sa pagdating ng kanilang ‘little Boss’

    SOBRANG excited na ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa paglabas ng panganay na anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.       Aminado naman ang aktres na baka raw maging spoiler siyang lola.       Ibinahagi nga ni Ibyang sa kanyang social media accounts ang ilan sa kaganapan sa Hong Kong […]

  • Nagulat sila sa kasikatan ng ‘Gento’: STELL, kasama pa rin sa SB19 kahit may solo career na

    KAHIT na sinasabing iba ang P-Pop sa K-Pop na siya naman din totoo, pero hindi namin maiwasang hindi pa rin makita kung paano, ang effective strategy sa career ng mga K-pop Idols ang nakikita rin namin sa mga miyembro ng SB19. Hindi talaga maitatanggi, ang SB19 ang pinakasikat at talagang gumagawa ng marka bilang P-Pop […]