• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM nagtalaga ng bagong mga hepe ng AFP, PNP at NBI Director

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Bartolome Vicente O. Bacarro, commander ng  Armed Forces the Philippines – Southern Luzon Command bilang bagong AFP chief of staff.

 

 

“The change of command for the new AFP chief of staff will be on August 8. This will give time for Gen. Bacarro to wind down at the SOLCOM and provide him with the transition to his new position in Camp Aguinaldo,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

 

 

Nagtapos sa Philippine Military Academy, si Bacarro ay ipinanganak noong Setyembre  18, 1966 sa San Fernando, La Union. Nagtapos siya sa upper quartile ng PMA “Maringal” Class of 1988.

 

 

Sinabi ni Cruz- Angeles na si outgoing CS-AFP Gen. Andres Centino, kaklase ni  Bacarro sa PMA, ay kandidato naman para sa isang bagong posisyon na akma sa kanya.

 

 

Ang Republic Act 11709, tinintahan ni dating Pangulong Duterte noong Abril 13 ngayong taon “sets a fixed three-year tour of duty for the AFP chief of staff, vice chief of staff, the deputy chief of staff, the major service commanders (Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy), unified command commanders, and inspector general “unless sooner terminated by the President.”

 

 

“Based on RA 11709, Gen. Bacarro will be the first CSAFP to be given a fixed three-year term,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Si Bacarro ay kabilang sa PMA Maringal Class of 1988.

 

 

Siya rin ang kauna-unahang hepe ng AFP na makakabenepisyo sa bagong fixed three-year term para sa mga AFP chief of staffs.

 

 

Sa kabilang dako, itinalaga naman  si Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr. bilang bagong PNP chief.

 

 

Si Azurin ay ang hepe ng Area Police Command-Northern Luzon at mayroon pang isang taon sa serbisyo.

 

 

Sina Azurin at PNP Directorate for Operations Maj. Gen. Val de Leon ay kapwa kabilang sa PMA Class of 1989.

 

 

Samantala, itinalaga naman  bilang Director ng National Bureau of Investigation ang long-time asssitant director sa tanggapan na si Medardo de Lamos.

 

 

“Director De Lemos rose from the ranks and his appointment as NBI Director is a strong indication of President Marcos’ commitment in strengthening the system of ‘meritocracy’ in the promotion, placement and hiring of government personnel,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Si De Lamos ay ang kasalukuyang OIC na pumalit kay dating director Eric Distor na appointee naman ng dating administrasyon.

 

 

Siya rin ang itinuturing na pinaka-senior official sa NBI at nagsilbi sa tanggapan sa loob ng halos apat na dekada. (Daris Jose)

Other News
  • Teves, hindi pa rin itinuturing na pugante

    HINDI pa rin itinuturing ng Anti-Terrorism Council (ATC)  na isang pugante si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa kabila ng tinawag na itong terorista.     Ang paliwanag ni Assistant Secretary at kasalukuyang Deputy Spokesperson Mico Clavano na wala pa naman kasing warrant of arrest  na ipinalalabas laban kay Teves para ikonsidera siya bilang […]

  • “People’s Day sa Barangay” caravan, inilunsad sa Valenzuela

    UPANG gawing mas malapit at madaling maabot ng mga residente ang iba’t ibang serbisyo ng City Hall, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ‘People’s Day sa Barangay’ caravan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th anniversary nito.     Itinatampok sa caravan ang ilang mga booth at help desk na nag-aalok ng mga libreng social service […]

  • ‘Dolomite beach’ binuksan sa publiko

    Muling binuksan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko ang tinaguriang “dolomite beach” sa Baywalk sa Maynila kahapon ng umaga.     Gayunman, limitado ang kapasidad ng beach at nasa 120 katao lamang kada limang minuto ang pinapayagang mamasyal sa lugar.     Ayon sa DENR, mananatiling bukas ang dolomite beach sa […]