• April 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBA legend Bill Russell pumanaw na, 88

PUMANAW na si NBA Legend Bill Russell sa edad na 88-anyos.

 

 

Kinumpirma ito ng kanyang kampo, subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.

 

 

Isang kilalang basketbolista si Russel mula pa noong ito ay nasa high school pa.

 

 

Nagwagi ito ng dalawang state championsip sa high school, dalawa sa NCAA titles at gold medal sa Olympics.

 

 

Naging susi rin siya sa pagkuha ng Boston Celtics ng 11 kampeonato noong ito ay naglalaro.

 

 

Habang noong naging playing coach ay nakakuha ito ng dalawang kampeonato.

 

 

Itinuturing na isa siya sa “Greatest Of All Time” sa kasaysayan ng NBA si Russel bilang ebidensiya ay ipinangalan sa kaniya ang NBA Finals MVP award.

 

 

Dalawang beses din siyang kinilala sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame na una ay noong siya ay player pa lamang noong 1975 at pangalawa bilang coach noong 2021.

 

 

Ilan sa mga nakamit nitong pagkilala ay ang pagiging All-Star appearance, NBA First-Team mentions at maraming iba pa.

 

 

Nagretiro siya sa paglalaro noong 1998 matapos ang tatlong dekada sa sports.

Other News
  • Grupo ng mga PUJ, magbabawas ng biyahe at designated stops’

    DAHIL  na rin umano sa nagbabadya na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-11 sunod-sunod na linggo, mapipilitan na raw ang mga driver ng public utility jeepneys (PUJs) na magbawas ng kanilang mga biyahe.     Ito ay para makatipid sa pera at krudo.     Sinabi ni 1-UTAK chair Atty. Vigor […]

  • DOH: Nadisgrasya ng paputok nitong New Year 2022 ‘mas mataas nang 42%’

    UMABOT  ng 262 kaso ng fireworks-related injuries ilang araw bago at matapos ang Bagong Taon — mas marami nang halos kalahati kumpara sa parehong panahon noong last year.     Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH), Martes, ayon sa mga pagmamatyag ng kagawaran mula ika-21 ng Disyembre, 2022 hanggang ika-3 ng Enero, 2023. […]

  • ‘Middleman’ sa Percy Lapid killing, namatay sa Bilibid

    PATAY  na ang sinasabing ‘middleman’ at kumontak sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at tropa nito upang likidahin ang broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid ng DwBL.     Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na Oktubre 18 pa ng hapon namatay si Crisanto Palana Villamor, na kilala rin bilang ‘Idoy” na […]