• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangamba ng publiko, pinawi ni PBBM

PINAWI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang pangamba ng publiko hinggil sa monkeypox virus matapos mapaulat noong nakaraang linggo na may naitala ng kaso sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang Q And A matapos magtalumpati sa Pinas Lakas event” sa Pasig Sports Complex para tingnan kung maganda at mahusay ang isinasagawang booster rollout sa nasabing lungsod, sinabi nito na bagama’t kinalungkot niya ang bagay na ito ay sinisiguro naman niya na na ang monkey pox ay hindi COVID 19.

 

 

Sa katunayan aniya ay magaling na at nakauwi na ang  pasyente na sinasabing may  monkeypox.

 

 

“So, we dont have anymore cases of monkeypox. Even then I want to be very clear to everyone this is not covid. hindi kagaya ng covid ito. Hindi nakakatakot kagaya ng covid yung monkeypox parang small pox. marami namang gamot kaya pwede naman nating gamutin,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Subalit, kahit hindi aniya nakakatakot ang monkey pox ay kailangan pa rin na panatilihin na  malinis ang mga kamay.

 

 

“Yung mga bagay bagay na ganyan. Sa ngayon, yung monkeypox ay talagang nakabantay tayo dahil eh nasanay na tayo dito sa covid. nakabantay tayo ng husto pero siguro masasabi natin sa ngayon na wala tayong kaso dito sa Pilipinas sa ngayon,” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, suportado naman  ni Pangulong Marcos  ang rekomendasyon ng Department of Health (DoH) na hindi lang ang mga bata ang   dapat na  magpa-booster shot kundi lahat ng mga mamamayang Filipino upang matiyak na ligtas sa Covid 19 o omicron at variants nito.

 

 

Ito’y bunsod na rin ng mataas na  positivity rate sa VISMIN areas:

 

“Well, that’s exactly this… what we have here now this booster rollout out is really because… it was born of the discussions that I had with the Dept of Health… to find out what really was the sitution,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

” But, we have to remember that the situation now in August 2022 is very very different from it was maybe in July, June of last year. We have now the vaccines and many many people have been vaccinated already. of course, we still have … the subject of the booster rollout actually came about because we were talking about the F2F classes at this coming semester. So sabi namin paghandaan na natin lahat,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Inamin na kinabahan sa una nilang eksena: KEN, pinangarap talaga na makatrabaho si GABBY

    DREAM come true para kay Ken Chan na makatrabaho si Gabby Eigenmann. “Nakaka-message ko po si Kuya Gabby, sinasabi ko po lagi, ‘Sana makatrabaho po kita, Kuya Gabby!” “Kasi pangarap ko talaga siyang makatrabaho po,” kuwento ni Ken. At sa pamamagitan ng pelikulang ‘Papa Mascot’ ay natupad ang pangarap ni Ken dahil isa si Gabby […]

  • Omicron tiyak na makakapasok din sa Pinas – Duque

    Nakakatiyak si Health Secretary Francisco Duque na makakapasok din ng Pilipinas ang Omicron variant ng COVID-19.     Pero sinabi ni Duque na hindi isyu kung makakapasok kundi kailan makakapasok.     Ginawa ni Duque ang pahayag matapos matanong ni Pangulong Rodrigo Duterte kung may posibilidad ba na makapasok sa bansa ang bagong variant na […]

  • Maraming natuwa na classmate nila si Little John: RAPHAEL, na-miss kaya enjoy na muling mag-face-to-face classes

    SIKAT sa kanyang school ang ‘Voltes V: Legacy’ star na si Raphael Landicho.       Sa first day of school ng Kapuso child actor na gumaganap na si Little John Armstrong sa VVL, nagulat ang kanyang mga classmates nang pumasok siya sa classroom.       “Natuwa at nagulat po sila kasi classmate daw […]