• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASO NG OMICRON SUBVARIANT BA 2.75, NAITALA SA BANSA

INIULAT  ng Department of Health (DOH) nitong Martes na naitala ng bansa ang mga unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na kaso.

 

 

Sinabi i ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 subvariant ay parehong mula sa Western Visayas na aniya ay kapwa nakarekober na sa virus.

 

 

Samantala, nakapagtala din ang bansa ng 1,015 karagdagang kaso ng BA.5 na natukoy sa lahat ng rehiyon maliban sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

 

 

Tatlong returning Overseas Filipinos ay na-test ding positibo sa  BA.5.

 

 

Sa mga bagong kaso ng BA.5, 883 na ang naka-recover, 84 ang sumasailalim pa rin sa isolation, habang ang status ng 48 iba pa ay bineberipika pa rin, sabi ng DOH.

 

 

Nasa 26 na bagong kaso ng BA.4 din ang natukoy ayon pa sa DOH.

 

 

Sa bilang na ito, anim ang mula sa National Capital Region; apat mula sa  Visayas; tig dalawa sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Davao Region, Soccsksargen, at  Cordillera Administrative Region; at isa sa Ilocos Region.

 

 

Sa karagdagang mga pasyente ng BA.4, 21 na ang na-tag bilang naka-recover, dalawa ang naka-isolate pa, habang ang resulta ng tatlo pa ay bineberipika.

 

 

Ayon pa kay Vergeire,  nakapagtala rin ang bansa ng 18 bagong kaso ng BA.2.12.1.

 

 

Limang indibidwal ang mula sa National Capital Region, tig-tatlo mula sa Ilocos Region at CAR; tig-dalawa mula sa Western Visayas, Central Visayas, at Calabarzon; at isa mula sa Cagayan Valley.

 

 

Sa mga bagong na-detect na kaso ng BA.2.12.1, 13 na ang naka-recover ngayon, apat ang naka-isolate pa, habang inaalam pa ang status ng isa pang pasyente.

 

 

Sinabi ng DOH na ang pagkakalantad at kasaysayan ng paglalakbay ng mga bagong natukoy na kaso ng mga subvariant ng Omicron, kabilang ang mga unang kaso ng BA.2.75, ay biniberipika pa rin. (Gene Adsuara)

Other News
  • 2 Pinoy patay sa Turkey quake, 34 iba pa inilikas

    DALAWANG  Pinoy na una nang naibalitang nawawala sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey ang kumpirmadong nasawi sa Antakya, pero sa kabutihang palad ay natuklasang buhay naman ang isa sa mga nawawala.     Una nang ibinalita ng grupong Filipino Community in Turkey na tatlong Pilipina ang hindi mahagilap matapos ang lindol, bagay na pumatay […]

  • Oil spill sa Oriental Mindoro, malaking banta sa kalusugan ng publiko

    IBINABALA  ng isang health expert na isang malaking banta sa kalusugan ng publiko ang tumagas na langis sa may karagatan ng Oriental Mindoro dahil sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress.     Kaugnay nito, nagpahayag ang Health Reform Advocate na si Dr. Anthony “Tony” Leachon para sa pangangailangan na mabilis na matugunan […]

  • 10.7 milyong pamilyang Pinoy, nagsabing sila’y mahirap – SWS

    MAY  10.7 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).     Sa non-commissioned survey na ginawa noong Dis­yembre 12-16, 2021 sa may 1,440 res­pondents, 43 percent ng pamilyang Pinoy ay nagsabing sila ay mahirap, 39% ang nasa pagitan ng mahirap at hindi mahirap, 19% naman […]