Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan
- Published on August 5, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay LTO Assistant Secretary Teofilo Guadiz III kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016.
“Ang timeline ko rito mga six months baka matugunan na ang kalahati nitong mga plakang hindi pa nade-deliver sa mga bumibili ng sasakyan,” ayon kay Guadiz
Kaugnay nito, sinabi ni Guadiz na dodoblehin ng ahensya ang mga tauhan sa plate-making plants sa 24-hour operation at mag a-outsource ng iba pang manufacturer para mapabilis ang paggawa ng car plates.
Una nang inanunsyo ng LTO na kailangan nito ng P6.8 bilyon para matapos ang backlog sa car plates.
Inaasahan ding maipatupad ng LTO ang pagkakaroon ng online transaction sa vehicle registration at renewal ng driver’s license upang maiwasan ang pagpunta ng dagsa ng tao sa mga LTO offices lalo na ngayong pandemic.
Nais ni Guadiz na maipatupad ang mas mababang LTO fees sa mga serbisyo ng ahensya.
-
MANDATORY TESTING ng PMVIC PINILIT BUHAYIN. ITINAON PA MISMO sa SIMULA ng LOCKDOWN! MAY BALAK TULOY NA BOYKOT!
Mga Transport groups at mga motorista naghahanda na ng pag-boykot sa PMVIC!!! Magaling din tumayming ang LTO sa pagpapalabas ng isang kontrobersyal na memorandum ng List of Geographical Areas of Responsibility (GAOR)for authorized private motor vehicle inspection centers (PMVICs). Inilabas ang memo nitong August 6, 2021, ang simula ng lockdown sa […]
-
US journalist patay sa Russian attack sa Ukraine; 2 pang mamamahayag, sugatan
HINDI rin nakaligtas sa mas tumitindi pang kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine ang mga American journalist na kasalukuyang nasa Ukraine. Ito ay matapos na masawi ang isang award-winning American journalist na si Brent Renaud, na kinilalang naging contributor sa pahayagang New York Times matapos itong barilin umano ng Russian forces […]
-
BBM LULUSOT VS DQ PETITIONS – FORMER ATENEO SCHOOL OF GOV’T DEAN TONY LA VIÑA
MANANALO si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lahat ng petisyon na isinampa para kanselahin ang kanyang Certificate of Candidacy dahil sa ‘political doctrine’ na dapat ang taong bayan ang mag-desisyon at hindi ang mga korte. Ito ang pahayag ni Atty. Tony La Viña, dating dean ng Ateneo School of Government, sa […]