NAITALANG KASO NG COVID SA EVACUATION CENTER, INAGAPAN
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Health o DOH sa lokal na pamahalaan ng Marikina kaugnay sa naitalang kaso ng COVID-19 sa isang evacuation center doon.
Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire sa kanyang virtual media forum, agad namang kumilos ang local health safety officer at dinala sa ospital ang evacuee kung saan siya nasuri matapos siyang mahirapang huminga.
Pinuri naman ni Vergeire ang ginawa ng Marikina LGU sa pangunguna ni Mayor Marci Teodoro at sinabing “good practice” dahil agad na inisolate o inihiwalay ang pasyente at dinala sa appropriate facility at pinasalang sa COVID-19 test.
Nang makumpirmang positibo ang evacuee ay agad na nagsagawa ng contact tracing kung saan labing pito ang closed contacts ng nasabing evacuee.
Ayon kay Vergeire, tatlo ay kaanak at labing apat na kapitbahay ang nakasalamuha nito sa evacuation center.
Isinailalim na rin sa RT-PCR ni Mayor Teodoro ang mga close contacts at lumabas naman na lahat ay negatibo.
Gayunman, naka-quaratine pa rin ang mga close contacts ng pasyente habang patuloy silang minomonitor ng Marikina LGU.
Samantala, inaalam pa ng DOH kong may sakit na ang pasyente bago ito dalhin sa evacuation center. (GENE ADSUARA)
-
Malasakit Centers: 6 taon nang nagseserbisyo sa Pilipino
NOONG Pebrero 12, 2018, isang makabuluhang marka sa pangangalaga sa kalusugan ang pinasimulan matapos pasinayaan ang unang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City. Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go na noon ay Special Assistant to the President, ang Malasakit ay isang one-stop shop na nagpabilis sa access […]
-
Paghaharap nina Covington at Masvidal itinakda na sa Marso 6
INANUNSIYO ng Ultimate Fighting Champion (UFC) ang nalalapit na paghaharap ng dalawang kilalang pangalan sa mixed martial arts. Ayon sa UFC na kanilang inaayos na ang laban ni UFC interim welterweight champion Colby Covington laban kay fan-favorite Jorge Masvidal. Gaganapin ang UFC 272 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA sa […]
-
2 sa 3 holdper na bumiktima at sumaksak sa mister, timbog
SA kulungan ang bagsak ng dalawa sa tatlong holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na mister matapos masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jessie”, 27, ng Kasarinlan St. Brgy. Muzon at alyas “Edison”, 20, ng Manapat St. Brgy., Tañong habang tinutugis […]