• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, personal na nakiramay sa pamilyang naulila ni dating Pangulong FVR

PERSONAL na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa pamilyang naulila ni dating Pangulong Fidel V. Ramos nang bisitahin ng una ang mga labi ng huli sa burol sa Heritage Park sa Taguig City.

 

 

Dumating si Pangulong Marcos  sa lamay  ng pasado alas- 10:20 ng umaga, araw ng Huwebes, Agosto 4, 2022.

 

 

Hulyo 31 naman  nang mapaulat   na namayapa na ang dating Pangulong Ramos sa edad na 94.

 

 

Base sa ulat, sumakabilang-buhay si Ramos  habang naka-confine sa Makati Medical Center dahil umano sa kumplikasyon dulot ng COVID-19.

 

 

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ng PTV sa pamamagitan ng social media na namaalam na nga ika-12 presidente ng Pilipinas pati na rin ng ilang government officials na nakiramay sa mga naulila ni Ramos.

 

 

Nagsilbing Pangulo ng bansa si FVR mula 1992 hanggang 1998. Pero bago naging politiko at public servant nagsilbi muna siya bilang sundalo hanggang sa hiranging deputy chief staff ng Armed Forces noong 1981.

 

 

Nagtapos din ang dating pangulo sa U.S. Military Academy sa West Point, N.Y., at sa University of Illinois sa Amerika. Kasunod nito pumasok din siya sa Philippine Army, at nagsilbi bilang sundalo sa Korea at Vietnam.

 

 

Noong 1972 in-appoint siya ni President Ferdinand Marcos Sr. bilang hepe ng Philippine Constabulary at noong nagkaroon ng martial law, isa si Ramos sa mga nagpatupad nito.

 

 

Bago siya hirangin bilang pangulo ng Pilipinas, nagsilbi muna siya bilang miyembro ng gabinete ng dating Pangulong Cory Aquino.

 

 

Una bilang chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Secretary of National Defense mula 1986 hanggang 1991.

 

 

Kung matatandaan, nakumpleto pa ni FVR ang kanyang first at second dose ng anti-COVID-19 vaccine noong nakaraang taon sa Del La Salle Santiago Zobel campus sa Muntinlupa City.

 

 

Samantala, kabilang naman sa mga nagpunta sa lamay ni FVR sina  Executive Secretary Atty. Victor Rodriguez, Energy Secretary Rafael Lotilla, Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Speaker Martin Romualdez, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., Senator Francis Tolentino, Senator Ramon Revilla Jr. at may-bahay na si  Cavite Rep. Lani Mercado, dating Senate President Vicente Sotto III, at dating Vice President Leni Robredo. (Daris Jose)

Other News
  • Nag-short vacation sa South Korea kasama ang pamilya: SHARON, hirap na hirap pa rin na maka-move on sa pagpanaw ni CHERIE

    HIRAP na hirap pa rin na maka-move on si Megastar Sharon Cuneta sa pagkawala ng isa sa pinakamalapit na kaibigan na si Cherie Gil.   Mahigit na dalawang linggo na ang nakalilipas, pero pakiramdaman niya ay kamamatay lang kaibigan.   Kaya naman marami ang natuwa at napa-sana all pa ang iba sa IG post niya […]

  • Nagmistulang fan si Andrea at natupad ang wish: BEA, puring-puri ni DENNIS at iba pang co-stars sa serye

    IBANG klase rin ang pagtingin ng mga Kapuso sa New Generation Movie Queen na si Bea Alonzo.   Talagang todo max ang pagpuri kay Bea ng kanyang mga co-stars sa bagong GMA Primetime series na “Love Before Sunrise.”   Si Andrea Torres ay nagmistulang fan na fan ni Bea na aminadong nang malaman na Kapuso […]

  • Disney Delays 6 MCU Release Dates, Removes 2 Marvel Movies From Slate

    DISNEY has delayed 6 different Marvel movies and removed the release dates for 2 others.     The Marvel Cinematic Universe is known for its carefully plotted schedules, as oftentimes each project relies on another for either set up or continuation. 2020 proved to be a major obstacle for the franchise when the coronavirus pandemic forced Marvel Studios to […]