• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM pinarerebyu ang disaster response

NAIS  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rebyuhin ang mga standard operating procedures (SOPs) upang lumikha ng pare-pareho at magkakaugnay na diskarte sa panahon ng kalamidad.

 

 

Sinabi ni Marcos sa meeting ng Gabinete kahapon na dapat irebyu ang mga SOPs kapag may warning at kung ano ang mga dapat gagawin kapag mayroong alerto.

 

 

“I think we have to review our SOPs when there’s a warning. So what do we immediately do when the alert is given to us? How do we preposition the things that we will need?” ani Marcos sa meeting ng Gabinete.

 

 

Ginawa ni Marcos ang pahayag kasunod ng isang magnitude 7 na lindol na yumanig sa hilagang Luzon noong Hulyo 27.

 

 

Sinabi ng punong ehekutibo na dapat i-preposition ng gobyerno ang mga satellite phones, generators, tubig at iba pa, kapag nakataas ang alerto.

 

 

Tinalakay din ang paggamit ng airlift assets para sa disaster response.

 

 

Binanggit din ni Marcos ang kahalagahan ng mga inhinyero na makakatulong sa mga clearing operations at pagtatayo ng mga pansamantalang istruktura.

 

 

Sa kanyang pagbisita sa Abra noong Hulyo 28, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang makakuha ng mas maraming water purifying system na tutugon sa mga problema sa suplay ng tubig sa panahon ng kalamidad. (Daris Jose)

Other News
  • Sa work muna magpo-focus: MAUI, hiwalay na sa longtime partner pero magkasama pa sa house

    HIWALAY na ang former Viva Hot Babe na si Maui Taylor sa kanyang longtime partner kung kanino meron siyang dalawang anak na lalake.     Paliwanag ni Maui na co-parenting sila sa mga bata: “We’re co-parenting. We’re in one house pero I sleep in a different room. Matagal na siyang ganung setup. Walang pakialamanan.”   […]

  • Pinoy seaman na may COVID-19 ‘Indian variant’ pumanaw na; 11 gumaling na

    Pumanaw na ang isang Pilipino seaman na tinamaan ng B.1.617, ang variant ng COVID-19 na unang natuklasan sa India.     Ayon sa Department of Health (DOH), noong Biyernes, May 21, nang bawian ng buhay ang lalaki.     Kabilang siya sa siyam na crew ng MV Athens Bridge na nag-positibo sa tinaguriang “Indian variant.” […]

  • Ads June 9, 2023