Filipinas football team napanatili sa rank 53 sa FIFA
- Published on August 8, 2022
- by @peoplesbalita
NAPANATILI ng Philippine Women’s football team na Filipinas ang kanilang world ranking.
Sa inilabas na world ranking ng FIFA ay nasa pang-53rd place pa rin sila.
Walang paggalaw ang nasabing ranking kahit na mayroong improvement na 1,479.91 points matapos ang tagumpay nila sa Asean Football Federation (AFF) Women’s Championship.
Ang nasabing ranking na rin ay siyang itinuturing na pinakamataas na ranking na nakamit ng bansa.
Hindi rin nagbago ang Filipinas sa standing nito sa Asian Football Confederation (AFC) na nasa pang-11 puwesto.
Sa kasalukuyan ay naka-break ang Filipinas bilang paghahanda para sa FIFA Women’s World Cup na magaganap sa susunod na taon.
-
CINDY, kinikilig nang sobra na masabihang ‘prime actress’ na ng Viva at makasama ang magagaling na artista
FASTEN your seat belt at I-ready na ang GPS dahil parating na ang Reroute sa Vivamax ngayong January 21, 2022. Isa na namang sexy-suspense thriller ang masasaksihan sa iba’t-ibang panig ng mundo na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga aktor sa Pilipinas, sa pangunguna ng Venice Film Festival Best Actor na […]
-
Mag-move on na at pagtuunan ang gagawin ni Pres. BBM: AGOT, no regrets sa pagsuporta kay VP LENI kahit ‘di nanalo
HINDI man nagwagi bilang pangulo si Vice President Leni Robredo na sinuportahan niya nang todo, wala naman regrets si Agot Isidro sa kanyang naging desisyon. Alam niya na pumanig siya sa tamang choice at kung hindi siya nagwagi, alam niya na nasa matuwid ang kanyang ipinaglabang kandidato. Move on na raw […]
-
Marcos Jr. hinikayat ang Korte Suprema na ibasura ang COC cancelation petition
HINIKAYAT ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon na nananawagan na kanselahain ang kanyang certificate of candidacy (COC) na inihain laban sa kanya ng civic leaders. Ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ayon kay Marcos Jr. ang may hurisdiksyon na tingnan ang kanyang “eligibility.’ “[I]t […]