Quezon City isinailalim sa ‘moderate risk’ dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases
- Published on August 9, 2022
- by @peoplesbalita
ISINAILALIM sa “moderate risk” na klasipikasyon ang Quezon City dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod sa mga nagdaang linggo.
Anang lokal na pamahalaan ng QC, mula kasi sa 221 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay umakyat ito sa 245.
“Umakyat na rin sa ‘moderate’ risk ang level ng lungsod ayon sa DOH at OCTA Research. Ibig sabihin, medyo mataas ang risk exposure sa COVID-19,” saad nila sa isang paskil, Linggo.
Dagdag pa rito, umakyat din anila ang positivity rate ng nasabing lungsod mula 12.9% na ngayo’y 15.2% na.
“Nagkaroon din ng pagtaas sa positivity rate na ngayon ay nasa 15.2% na mula sa 12.9%. Ang positivity rate ay patungkol sa bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19.”
Samantala, bumaba naman ang reproduction number o R0 ng QC sa 1.29.
“Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection,” paliwanang nila.
Dahil dito, pinaaalahanan ng QC LGU ang kanilang mga residente na huwag maging kampante at patuloy pa ring obserbahan ang COVID-19 protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-iwas sa “3cs” — confined, crowded at close-contact settings.
Batay sa pinakabagong datos ng Health Department, nasa 37,805 na ang kasalukuyang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa. (Daris Jose)
-
Sa pagdiriwang ng ika-25 na taon ng Puregold: JUSTIN at EJ, kasama sa nagkuwento ng kanilang tagumpay sa ‘Nasa Iyo ang Panalo’
SA pagdiriwang ng ika-25 na taon sa industriya ng retail ng Puregold, isang mahalagang layunin ang ibida ang ‘Panalo Stories’ sa mga suking Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinimulan ng Puregold ang pagkamit ng layong ito sa pagbabahagi ng mga kuwento ng apat na sikat na personalidad sa mga larangan ng showbiz, […]
-
Mas maraming Filipino nurses, nakatakdang maghanap ng trabaho abroad
POOR working conditions ang mga rason kung bakit umaalis ang mga nurses sa bansa at nagtatrabaho sa ibayong dagat. Asahan na raw ang pag-alis sa bansa ng mga Filipino nurses sa mga susunod na buwan para maghanap ng trabaho. Ito ay dahil na rin sa mas niluwagang coronavirus border controls at […]
-
2 tulak laglag sa P240K shabu at damo sa Malabon drug bust
MAHIGIT P.2 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang bagong identified drug pushers matapos madakip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Miyerkules ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Okeng, 31, at alyas Anjoe, 24, E-trike […]