• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15 probinsiya sa Luzon, nakapagtala ng very high Covid-19 positivity rate

INIULAT  ng OCTA Research Group na isinailalim ngayon sa “very high” COVID-19 positivity rates ang 15 probinsiya sa Luzon.

 

 

Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng probinsiya ng Albay, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.

 

 

Base sa data, nakuha ng Camarines Sur ang pinaka-highest record na 48.7 percent; sinundan ng Isabela (47.6 percent), Tarlac (41.9 percent), Nueva Ecija (38.4 percent), Pampanga (35 percent), at Laguna (33.2 percent).

 

 

Ang Cagayan ay nakapagtala ng 30.5 percent positivity rate; sinundan ng La Union (29.4 percent), Zambales (28.6 percent), Albay (28.2 percent), Quezon (25.1 percent), Pangasinan (25 percent), Benguet (22 percent), Cavite (21.1 percent) at Rizal (18.8 percent).

 

 

Samantala, iniulat din ni David na tumaas din ang positivity rate sa Metro Manila mula 15.5 porsiyento noong Hulyo 30 hanggang 17.5 porsiyento noong Agosto 6. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM inimbitahan ang mga US companies na makiisa sa Build, Better, More High-Impact Projects

    HINIKAYAT  ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga American companies makiisa sa proyekto ng administration ang “Build, Better, More” program na kinabibilangan ng 198 high-impact priority infrastructure flagship projects (IFPs), na nagkakahalaga ng US$148 billion o nasa mahigit P8 trillion.     Ginawa ng Pangulo ang imbitasyon ng humarap ito sa mga opisyal ng […]

  • CARLA, natawa sa birong pagod na ikakasal kay TOM sa November pero blooming pa rin

    MABABAGO pala ang date ng church wedding ng mga Kapuso stars na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.      Ang una kasi nilang announcement ay October 23 na magaganap sa Tagaytay Highlands, pero binago na nila this November, 2021.     Medyo mahirap daw na pinagsabay nila ni Tom ang work at ang pagpa-plano […]

  • GCQ SA NCR,BULACAN, CAVITE, LAGUNA AT RIZAL

    BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang mga bagong hakbang sa mga lugar nasa ilalim sa General Community Quarantine (GCQ) mula ngayong araw, Marso 22 hanggang Abril 4.   Una na rito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang pansamantalang sinususpinde ang […]