• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huling-huli ang kiliti ng mga viewers dito at sa ibang bansa: Multi-Genre Director na si GB, muling naka-score ng ‘number one’ content sa Vivamax

NAKA-SCORE muli ang Multi-Genre Director na si GB Sampedro nang dalawang ‘number one’ content sa Vivamax, ang latest movie niyang ‘Purification’ at ang original series na ‘High (School) On Sex.’

 

 

Ang ‘High (School) On Sex’ ay sexy comedy coming-of-age series na pinagbibidahan ni ‘Boy Bastos’ star Wilbert Ross na una niyang naidirek sa ‘Crush Kong Curly’. Kasama sina Denise Esteban, Migs Almendras, Angela Morena at Kat Dovey.

 

 

Ang sexy series ay nanatiling nasa top spot simula nang mag-premiere ito noong May 21, 2022. Trending din ito sa social media dahil sa sexy and controversial scenes.

 

 

Samantala, sa ‘Purificacion’, hatid direktor ang isang sexy thriller na kukwestyon sa inyong pananampalataya. Isang policewoman ang mag-iimbestiga sa naganap na series of killings sa mga kababaihan sa Santa Monica at ang main suspect niya ang new priest na si Father Purificacion played by Josef Elizalde. Also starring sina Cara Gonzales, Ava Mendez, Rob Guinto, Stephanie Raz, Quinn Carrillo at Kat Dovey.

 

 

Hindi lang ang mga ito ang consistent number one sa online platform ng Vivamax, maging ang mga nauna niyang pelikula noon tulad ng ‘Doblado’, ‘Kinsenas Katapusan, ‘Crush Kong Curly’ at ‘Kaka.’

 

 

Kilala ring concert director si Direk GB kaya natanong siya kung ano ang mas exciting gawin?

 

 

“Sa bawat project na ginagawa I make sure na gusto ko ang trabahong tinatanggap ko para nae-excite at nae-enjoy ko itong gawin at the same time,” sabi niya.

 

 

“Preference ko rin kasi ang iba’t ibang uri ng proyekto ang tinatanggap ko para laging bago para sa akin ang gagawin ko. Kahit sa pelikula mas gusto ko na iba-ibang genre para rin di ako mapako sa isang uri lang ng film.”

 

 

Nagsimula si Direk GB bilang direktor sa musical drama anthology ma ‘Your Song’. Ang first feature length film niya ay ang ‘Astig’ starring Dennis Trillo, Arnold Reyes, Edgar Allan Guzman and Sid Lucero, na isa sa naging entries sa most prestigious independent film festival na Cinemalaya noong 2009.

 

 

At dahil isa rin ang multi-awarded director sa moneymaker ng Vivamax, kinontrata na siya ng 10 movies ngayong 2022 na posible pang madagdagan. Huling-huli kasi niya ang kiliti ng viewers, mapa-sexy comedy o mapa-erotic psycho thriller, hindi lang mga Pinoy kundi mga international subscribers nang nangungunang streaming app sa bansa.

 

 

Kasalukuyang niyang sinu-shoot ang ‘5 in 1’ na muli nilang pagsasamahan ni Wilbert Ross. Ang next project naman niya ay isang psycho sexy thriller na may titulong ‘Kara Krus.’

 

 

At ngayong August 26, siya ang magdi-direct ng concert ng trending trio na Beks Battalion (composed of Chad Kinis, Lassy and MC Muah) titled Beks2Beks2Beks, gaganapin ito sa New Frontier Theater na kung saan isa si Vice Ganda sa mga guests.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Minors sa NCR bawal lumabas ng bahay simula Marso 17– MMDA

    Ipagbabawal ang paglabas ng mga menor de edad sa National Capital Region (NCR) simula Marso 17, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Ito ang sinabi ng naturang tanggapan isang araw matapos umabot sa 5,404 ang arawang pagtalon ng kaso — ang ikaapat na pinakalamaki sa […]

  • Top 1 most wanted person ng NPD, nalambat ng Navotas police

    ISANG lalaki na itinuturing bilang top 1 most wanted person ng Northern Police District (NPD) ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Ricky”, 51, residente ng lungsod. […]

  • USA, sinigurado ang ‘another million dollars’ para sa mga biktima ng bagyo sa Pinas

    SINIGURADO ng Estados Unidos ang “another million dollars” para tulungan ang mga Filipino na biktima ng 6 na magkakasunod na bagyo sa bansa nito lamang nakalipas na linggo.   Ito ang sinabi ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa kanyang naging courtesy visit kay President Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang. Tinitingnan din ng […]