• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ulo gugulong sa SRA sa pag-angkat ng asukal

INIIMBESTIGAHAN na ng Malacañang ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration matapos maglabas ng hindi awtorisadong reso­lusyon para mag-import ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.

 

 

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo rin bilang kalihim ng Department of Agriculture.

 

 

Nilinaw ni Cruz-Angeles na hindi pinahihintulutan ng Pangulo ang pag-import ng asukal.

 

 

“Yesterday a resolution was uploaded on the website of the SRA purportedly coming from the Sugar Regulatory Board Resolution No. 4 autho­rized the importation of 300,000 MT of sugar on top of what had already been imported in May of this year. This resolution is illegal,” ani Cruz-Angeles.

 

 

Sinabi ni Cruz-Angeles na sensitibong bagay ang importasyon lalo na ang mga produktong pang agrikultura kaya kailangan itong balansehin.

 

 

Nilinaw naman ni Cruz-Angeles na ang resolusyon ay plano pa lamang para sa pagsasagawa ng importasyon.

 

 

Nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon para matukoy kung may gumawa ng sariling aksyon na magiging sanhi ng pagkawala ng tiwala ng Pangulo sa kanyang mga opisyal, o kung may nangyaring “malice or negligence.”

 

 

Ibabase aniya sa resulta ng imbestigasyon kung ilang opisyal ang masisibak sa posisyon. (Daris Jose)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 49) Story by Geraldine Monzon

    KAHIT NAGSESELOS kay Jeff ay nagagawa ni Jared na kontrolin ang sarili. Habang si Jeff naman ay hindi maitago ang nararamdaman ng puso kaya ipinapakita talaga niya ang inis sa pinsan niyang iniisip niyang kaagaw kay Andrea.   Hanggang sa napuno na rin si Jared sa kaangasan ni Jeff at hindi na napigilan ang pag-igkas […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 54) Story by Geraldine Monzon

    KAMPANTE  si Cecilia sa kanyang naging desisyon. Akala yata ng tatlong ulupong ay mababahag ang buntot niya.   Bago umalis ay itinutok pa ni Bert ang baril niya sa sentido ni Cecilia.   “3 days lang ang ibibigay naming palugit para maibigay mo ang kailangan namin. Kung hindi, alam mo na ang mangyayari Cecilia, kaya […]

  • Pinoy karateka James delos Santos muling nakakuha ng gintong medalya

    Nagwagi ng gintong medalya si Filipino karateka James delos Santos sa Okinawa E-Tournament World Series.     Ito na ang pang-36th gold medal na kaniyang nakuha ngayong taon kapantay ang bilang din na kaniyang nakamit noong 2020.     Sinabi nito na naging malaking hamon sa kaniyang na matapatan ang nakuha nitong medalya noong nakaraang […]