• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangakong lilikha ng ‘enabling environment’ para sa PH research

MULING inulit ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kanyang pangako na lilikha ng “enabling environment” para sa  research sa bansa pamamagitan ng pagsusulong na makalikha ng “local virology institute and disease prevention and control center.”

 

 

Bahagi ito ng pahayag ni Pangulong Marcos sa  kanyang naging pagdalo sa 15th Philippine National Health Research System (PNHRS) Week celebration sa Clark Marriott Hotel sa Clark Freeport Zone, Pampanga.

 

 

“As your President, I hope my presence here today gives a clear signal that this administration continues to support your endeavors so that together, we can create an enabling environment for the Filipino research community that fosters collaboration and cooperation that will yield solutions that will make lives better for our fellow men and women,” ayon sa Pangulo.

Tinukoy ni Pangulong Marcos kung paano ang agarang pagpapasa ng batas na lilikha sa Virology Institute of the Philippines (VIP) na “consolidate disparate research, knowledge, and data”, habang ang pagpapasa  ng batas na lilikha naman sa Philippine Center for Disease Prevention and Control ay paghahanda ng bansa  para sa“unfortunate warnings” na may kinalaman sa pandemya.

 

 

“We have been in consultation with the House of Representatives and the Senate to create these agencies. We will continue to work so that our people are safer, so that our citizens have better access to health care, and so that the quality of our health care will improve,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang health researchers ng bansa para sa kanilang “unparalleled commitment” para tulungan ang bansa sa pagtugon sa pandemiya.

 

 

Tinukoy ang sarili niyang karanasan matapos mahawa ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) para sa kauna-unahang pagkakataon noong  Marso 2020,  sinabi ni Pangulong Marcos na “intellectual humility helped researchers hone their competencies and gain new insights from other experts.”

 

 

“For the first time in our experience, I asked the doctor and I said, what is happening and he said, ‘I don’t know.’ ‘What are you going to do to cure me?’ ‘We don’t know.’ That is the situation that we were in. There was a total lack of information, of knowledge about this new pandemic. That is why the work that you did, that developed – the genome sequencing so that we could follow and identify and detect the different strains as they came about, the tests kits that you were able to develop for the local community, the modeling that was done – this was all a fruit and of your partnership, and it is something that has never been seen before,” aniya pa rin.

 

 

“A key element of the work that you do is the cooperation: Different agencies have come together and removed all the barriers in terms of scientific research in exchange of information of help in facilities, help in using all of the laboratories so that we are able to maximize our efforts. This has been the key to the successes that you have enjoyed, and the successes you will enjoy,”pahayag pa nito.

 

 

Aniya pa,  ang research institutes ay mapagbigay sa pagbabahagi ng impormasyon”at an unprecedented rate,” sinabi ni Pangulong  Marcos na natuto ang bansa na pagaanin ang iba’t ibang problema na nagsuluputan sa panahon ng pandemya.

 

 

“I think we are better prepared because we have formed and we have had experienced during the Covid-19 pandemic. And that, I think, still remains the key element to our success,”dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, Biden posibleng magkita at muling magpulong sa Abril– envoy

    POSIBLENG muling magkita sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang  US counterpart  na si Joe Biden kapag  nagtugma na available ang kani-kanilang iskedyul.     Ayon kay  Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez, inaayos na ang paghahanda para sa posibleng muling pagkikita at pagpupulong ng dalawang lider,  pansamantalang itinakda sa […]

  • NAVOTAS, PSA SINIMULAN NA ANG PAGPAPATALA PARA SA NATIONAL ID

    SINIMULAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapatala ng biometric ng Navoteños sa Philippine Identification System (PhilSys).     “The national ID will give them not just proof of their identity, but will make it easier for Navoteños to avail of all social services and government benefits […]

  • Booster dose kontra COVID-19, pinag-aaralan na gawing requirement

    PINAG-IISIPAN ng pamahalaan na isama ang booster dose bilang requirement para sa isang indibidwal para makonsidera bilang isang fully vaccinated laban sa COVID-19.     Sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje na tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang terminong “fully vaccinated” para sa mga nakakuha na […]