• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Cruz-Angeles, tinamaan ng Covid, tuloy ang trabaho sa bahay; PBBM, walang close-contact sa kanya

TULOY ang pagtatrabaho ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kabila ng asymptomatic siya sa COVID 19.

 

 

Sa kanyang Facebook account, isang video ang ginawa ni Cruz-Angeles kung saan ay sinabi nito na magpapatuloy siya sa pagtatrabaho habang naka-isolate para maka-recover.

 

 

“Magandang umaga. Ako po si Trixie Cruz-Angeles, press secretary. Kahapon nagpa-Covid swab test ako, RT-PCR at lumabas ang resulta kaninang umaga. Ako po ay positive for Covid. Kung kaya’t sa bahay muna ako magtatrabaho habang ako ay naka isolation,” ang bahagi ng pahayag ni Cruz-Angeles sa kanyang video.

 

 

“Kukunin ko na rin po itong pagkakataon na maghikayat na magpabakuna tayong lahat at magpa booster. Yun lang po. Sana maligaya ang inyong linggo,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

At sa tanong kung may nagkaroon siya ng close contact kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sagot ni Cruz- Angeles ay “The President is fine.” (Daris Jose)

Other News
  • UN pinaghahanda ang mundo sa El Niño, bagong heat records

    NAGBABALA ang United Nations (UN) tungkol sa lumalaking posibilidad na magkaroon ng bagong heat records dahil sa weather phenomenon na El Niño na mararanasan sa mga susunod na buwan.     Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng World Meteorological Organization ng UN ang 60% na posibilidad na ang El Niño ay mag-develop sa katapusan […]

  • Ads February 8, 2020

  • Kawani ng PSC na dawit sa daya-sahod kinasuhan

    NABUKING ng Department of Justice  (DoJ) ang mga dahilan para sa reklamo na isinampa ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating kawani na sangkot sa payroll padding scheme sa nakalipas na taon.   Sa may 23-pahinang resolusyon na nilagdaan nitong isang araw nina Assistant State Prosecutor Moises Acayan, […]