• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas training magsisimula na!

AARANGKADA na nga­yong araw ang training camp ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

 

 

Magagaan na workouts muna ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas pool sa unang araw ng training sessions nito.

 

 

Hindi pa kumpleto ang pool dahil wala pa sa Maynila sina NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz at Kai Sotto ng Adelaide 36ers.

 

 

Nakatakdang dumating sa Agosto 18 si Sotto mula sa Australia habang sa Agosto 19 naman ang kumpirmadong pagdating ni Clarkson sa Pilipinas.

 

 

Wala pa ring pinapangalanang players ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) mula sa PBA dahil hinihintay pa matapos ang semifinal round ng PBA Philippine Cup.

 

 

Kaya naman inaasahang kaunti pa lamang ang makadadalo sa opening day ng training ng Gilas Pilipinas pool.

 

 

Nauna nang inihayag ng SBP ang pangalan nina Japan B.League pla­yers Kiefer at Thirdy Ra­vena, Bobby Ray Parks Jr. at Dwight Ramos, at nina UAAP players Carl Tamayo, Kevin Quiambao at LeBron Lopez.

 

 

Maliban kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, kinumpirma ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone ang pagdating nito sa training camp.

 

 

Ngunit hindi pa malinaw kung makakasama si Cone sa mismong araw ng mga laro ng Gilas Pilipinas.

 

 

Una na ang pagsabak ng Pinoy squad laban sa Asian Cup runner-up Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut, Lebanon kasunod ang pagharap sa Saudi Arabia sa Agsoto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

“I’ve been meeting with the Gilas coaches and will join the Gilas practices when they start. But I’m not sure yet if I will actually travel with them,” ani Cone.

Other News
  • PGH, PELIGRO SA KAKULANGAN NG NURSE

    NALALAGASAN ngayon ng mga nurse ang Philippine General Hospital (PGH) matapos na magsipagbitiw sa ospital.     Ayon kay PGH spokesperson Jonas Del Rosario may kabuuang 107 nurse ang nagbitiw sa Ospital  mula noong nakaraang taon.     Aniya, 59 nurse ang nagbitiw noong nakaraang taon habang 48 ang natira mula Enero hanggang Hunyo ngayong […]

  • PDu30, labis ang pasasalamat sa tulong ng Japan sa economic dev’t ng Pinas

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa Japanese government para sa pagsuporta nito sa economic development ng Pilipinas, partikular na ang pagsisikap na makumpleto ang  kauna-unahang Metro Manila Subway Project (MMSP) sa bansa.     “May I express my gratitude again to the Japanese government for partnering with the Philippines to make […]

  • PDU30, bababa sa pwesto na pinaka-popular na pangulo – Publicus Asia Survey

    75% NA approval rating ang nakuha ni Pang. Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Publicus Asia.     Sa isinagawang survey ng Publicus Asia sa 1,500 respondents mula June 16-22 taong kasalukuyan, lumalabas na 75% sa kanila ay ‘approve’ o ‘strongly approve’ sa performance ni Pang. Duterte sa nakalipas na halos 6 na taong […]