• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No-Contact Apprehension Policy (NCAP), imbestigahan

NAGHAIN ng resolusyon ang isang mambabatas para paimbestigahan ang kontrobersiyal na No-Contact Apprehension Policy (NCAP) na ipinatutupad sa may limang siyudad sa Metro Manila.

 

 

Sa House Resolution No. 237, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na importanteng masiguro na nababantayan ang karapatan at kapakanan ng mga motorista laban sa posibleng pang-aabuso sa implementasyon ng NCAP, kabilang na ang sobra at hindi resonableng multa at parusa.

 

 

“Our sense is, in their haste to deploy the NCAP to build revenue from traffic fines, cities are haphazardly rolling out the technology at the expense of motorists,” pahayag ni Rillo, vice-chairperson ng House committee on Metro Manila development.

 

 

Inaasahan ng mambabatas na magtutuloy ang imbestigasyon ng Kamara kahit magpalabas ang Supreme Court ng injunction laban sa NCAP.

 

 

“We are also worried that motorists may be wrongfully burdened – not by the cost of violating traffic laws, rules and regulations – but by the cost of the technologies used in the NCAP,” dagdag ni Rillo.

 

 

Apat na transport groups ang naghain ng petisyon para hilingin sa korte na ipatigil at ideklarang unconstitutional ang polisiya sa paglalagay ng video surveillance at digital cameras para mahuli at maparusahan ang mga lumalabag sa batas trapiko.

 

 

“The House inquiry will identify and resolve all the issues surrounding the NCAP,” anang mambabatas.

 

 

Bukod sa Metro Manila Development Authority, ang siyudad ng Manila, Muntinlupa, Parañaque, Quezon, at Valenzuela ay nagpapatupad ng NCAP.

 

 

Lumagda na rin ang lungsod ng San Juan sa kasunduan para sa pagpapatupad ng NCAP simula ngayong buwan. (Ara Romero)

Other News
  • Hontiveros: Lisensiya ng mga baril ni Quiboloy, bawiin!

    NANAWAGAN si Senador Risa Hontiveros nitong Lunes sa Philippine National Police (PNP) na bawiin at kanselahin ang lisensya ng mga baril ni pastor Apollo Quiboloy na tinawag ng senadora na isang pugante.     Ginawa ni Hontiveros ang pahayag matapos kumalat online ang mga larawan at video ng kanyang sinasabing private army training with firearms. […]

  • BI, nakatakdang ipatupad ang dati pang deportation order kapag nakalaya na si Pemberton

    Nakasalalay na umano sa kampo ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kung aapela pa ito sa deportation order ng Bureau of Immigration (BI) kapag ito ay napalaya na.   Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra kung sakaling hindi na aapela si Pemberton ay bahala na ang BI na ipatupad ang deportation order laban […]

  • Jonathan Roumie of ‘The Chosen is Finally’ coming to Manila in November!

    MANILA, Philippines – October 21, 2024 Jonathan Roumie, the actor beloved for his portrayal of Jesus in the ground-breaking series The Chosen, is set to visit Manila for a fan screening event on November 22, 2024.   This promises an early Christmas gift for Pinoy fans of the hit series The Chosen!   The event […]