• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag na bus at bus stops sa EDSA busway, balak ng DOTr

PLANO  ng Department of Transportation (DOTr) na makapagdagdag pa ng mas maraming bus at makapagbukas ng mas marami pang bus stops para sa EDSA Busway.

 

 

Bunsod na rin anila ito nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22, at pagbabalik na rin ng face-to-face classes sa bansa.

 

 

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, nagbukas na sila kamakailan ng dalawang busway stations sa Roxas Boulevard at Macapagal Avenue ngunit nagha­hanap pa sila ng iba pang lugar na maaaring paglagyan ng mga bus stops.

 

 

Iniulat din niya na sa ngayon ay mayroon nang halos 400 bus units ang bumibiyahe sa EDSA Busway.

 

 

Aniya pa, nakipagpulong na rin ang DOTr sa consortium na nag-o-operate ng EDSA Carousel at hiniling sa mga ito na mag-deploy pa ng karagdagang bus, lalo na sa pagsisimula na ng klase sa bansa.

 

 

Ang EDSA Busway, na magkatuwang na programa ng DOTr, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ay mayroong 17 operational stations sa ngayon, kung saan sila pinapayagang magsakay at magbaba ng mga pasahero.

 

 

Kasalukuyan itong nagkakaloob ng libreng sakay para sa mga commuters na bumibiyahe sa EDSA.

 

 

Ang naturang libreng sakay, na pinasimulan noong panahon ng administrasyong Duterte, ay pinalawig ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at inaasa­hang magpapatuloy hanggang sa Disyembre 31, 2022.

Other News
  • PAGHAHAIN NG COC SA BSKE SA HULYO

    MAPAPAAGA ang paghahain ng filing of candidacy para sa Barangay at Sanggunian Kabataan election (BSKE).     Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na posibleng isasagawa sa buwan ng Hulyo  ang maagang paghahain ng COC  para malutas ang mga kaso ng disqualification .     Itinakda ang BSKE sa Oktubre 2023.     Ayon kay […]

  • TONI, ayaw talagang tantanan ng bashers at tinawag na ‘Marcos Apologist’; movie nila ni JOHN LLOYD pinagdisdiskitahan din

    AYAW talagang tantanan si Toni Gonzaga ng mga bashers na kung saan tinawag na nila itong ‘Marcos Apologist’.     Ang latest nga ay pinagdiskitahan nila ang movie niya with John Lloyd Cruz na My Amnesia Love, dahil may mataba ang utak na nakaisip na mag-edit nito sa Wikipedia, yun isa ay nilagyan lang ng […]

  • Top 2 most wanted person ng Hernani MPS, timbog sa Caloocan

    MAKALIPAS ang mahigit anim na taong pagtatago sa batas, naaresto na ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City ang isang kelot na wanted sa kaso ng tangkang panggagahasa sa Eastern Samar.     Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P?lt. Col. Robert Sales ang naarestong akusado bilang si Nelson Alidon, […]