• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P20 milyong shabu nasamsam ng PNP, PDEA

UMISKOR  ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang maaresto ang dalawang big-time drug traffickers kung saan nasamsam sa kanila ang nasa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng  mahigit P20 milyon sa isinagawang drugs operation sa Quezon City, kamakalawa.

 

 

Kinilala ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang mga nasakoteng suspects na sina Jhon Lester Manipol, 24 at Jerome Labita, 20.

 

 

Sinabi ni Azurin na bago ang operasyon ay isinailalim muna sa masusing surveillance operations ang mga suspect matapos na makatanggap ng report sa aktibong pagtutulak ng mga ito ng shabu.

 

 

Inihayag ng opisyal na ang operasyon ay isinagawa ng iba’t-ibang police units sa Quezon City, National Capital Region Police Office (NCRPO) at National Headquarters sa Camp Crame katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa isang lugar sa Quezon City.

 

 

Hindi na nakapalag ang mga target matapos ang mga itong kumagat sa anti-illegal drug operations ng mga awtoridad.

 

 

“The established connection among the operatives made it easier for them to work together. We aim to continue this smooth workflow in our future operations,” pahayag ni Azurin.

 

 

Nagpapatuloy naman ang pinalakas na anti-illegal drug operations ng pulisya sa iba’t ibang dako ng bansa.

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 6) Story by Geraldine Monzon

    Sakto lang ang pagkakahila ni Cecilia kay Bernard palayo sa kotse nang sumabog ito. Parang nanlambot ang mga tuhod ng dalaga. Napasalampak siya sa sementadong kalsada. Tinitigan niya ang nasusunog na kotse. Kung nasaan ang driver ng truck ay hindi niya alam. Makalipas lang ang ilang saglit ay may dumaang tricycle. Pinara niya iyon para […]

  • 3 sasakyan inararo ng SUV sa Malabon, 2 patay, 2 sugatan

    HINDI bababa sa dalawang katao ang kumpirmadong nasawi habang sugatan naman ang dalawa pa matapos araruhin ng isang Mitsubishi Xpander wagon ang tatlong sasakyan, kabilang ang isang tricycle sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.       Si Nobelia Esto, 54 ng Gulayan St. Brgy. Catmon, pasahero ng tricycle na minamaneho ni Norberto Pinurla, […]

  • Sobrang witty at pinayuhan na sumali na: Tweet ni JANINE sa pagkatalo ni CELESTE sa ‘Miss Universe’, kinaaliwan kaya nag-viral

    LAST Sunday, nag-viral din pala ang tweet ni Janine Gutierrez na, “As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s event.”     Kaya agaw-eksena rin siya bukod sa trending topic na #CelesteCortesi at #MissUniverse2022.     Ang “Lotlot” na tinutukoy ng anak ni Lotlot de Leon ay ginagamit sa showbiz […]