• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May mga panibagong cases pa na nai-file sa kanya: MAGGIE, tuloy ang laban kahit apektado na ang mental at emotional na kalagayan

NAPAPA-‘SANA ALL’ at “goals” ang mga comment ng netizens bukod sa sagad ang kilig, lalo na ng mga fans ng mga Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa halos ipagsigawan na ka-sweetan ni Dingdong sa kanyang misis.

 

 

Daig pa ni Marian ang debutante sa nakaraang birthday celebration, with Dingdong as his escort of course.

 

 

Parang mga bagong kasal lang din kaya naman si Dingdong, wagas ang pagpapakilig sa kanyang socmed account. Nag-post ito ng picture niya habang pinapanood si Marian na bumababa sa hagdan na napapaligiran ng mga bulaklak.

 

 

Napa-reminisce ang host ng GMA-7’s “Family Feud” sa mismong araw na ikinasal raw sila at lumalakad si Marian sa simbahan.

 

 

Sey ni Dingdong, “Me looking at her walking down those stairs reminds me of how she marched on that majestic aisle 8 years ago.”

 

 

***

 

 

MULING nag-post ang beauty queen/actress na si Maggie Wilson sa kanyang Instagram.

 

 

Nag-share ito ng Instagram stories kunsaan, pinasasalamatan ang lahat daw ng mga nagpapadala ng messages sa kanya at support.

 

 

Siyempre, kaugnay pa rin ito ng pinaglalaban niyang adultery case na isinampa ng kanyang estranged husband, si Victor Consunji.

 

 

Sa post ni Maggie, malinaw na tuloy ang laban niya kahit na aminado itong naaapektuhan na rin ang kanyang mental at emotional na kalagayan. May mga panibagong cases pa raw na nai-file sa kanya.

 

 

Ayon kay Maggie, “Hey everyone. I wanted to extend my sincerest gratitude to all of you who have sent me messages of love and support.

 

 

“It’s been an extremely exhausting six weeks on my emotional and mental well-being as further legal cases have been filed against me over the weekend while he was busy #livinghisbestlife that again have no grounds.

 

 

“Still, I am fighting and will continue to do so with everything I’ve got for myself and, more importantly, Filipino women and children.

 

 

“Until I am in the ground, six feet under, I will make it my personal mission to pursue these causes for a country I hold so dear to my heart.”

 

 

***

 

 

FEEL namin, maingat na sumagot ang mga Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega kapag tinatanong sila sa real score sa pagitan nila.

 

 

Pero sey ni Miguel, na kay Ysabel daw talaga ang mga katangian na hinahanap niyang talaga sa isang babae.

 

 

Kung ang mga nakararating sa amin ang paniniwalaan, nandiyang nanliligaw or baka nga past the stage of ligawan na sila, considering din ang sweetness at closeness nila sa isa’t-isa.

 

 

Ang balita kasi namin, medyo gwardiyado pa si Ysabel ng Mommy niya, si Michelle Ortega na mag-boyfriend. Pero slightly, itinanggi ito ni Ysabel at hindi naman daw siya pinagbabawalan na mag- “Yes” so meaning, may sagutin na manliligaw, but it’s her choice na rin, especially with Miguel na enjoy muna nila ang friendship o closeness nila.

 

 

Obviously, sina Miguel at Ysabel ang isa sa mga pinu-push na loveteam ngayon ng GMA Network. Sa gitna ng taping nila ng “Voltes V: Legacy”, heto’t sila ang mga bida sa first collaboration ng GMA at Quantum Films ni Attorney Joji Alonzo, ang “What We Could Be,” bagong GMA Telebabad simula sa August 29, papalit sa “Bolera.”

 

 

Ang director din nila ay no less but Jeffrey Jeturian.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Kahit in-announce na magtatapos na ngayong Agosto: Hit action-serye ni COCO, ‘di pa rin tinatantanan ng mga kritiko

    KAHIT na may anunsiyo na si Coco Martin noong Biyernes, July 21, na magtatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano after a magnificent seven-year run, hindi pa rin ito tinatantanan ng mga kritiko.     Tama lang daw na magtapos na ang palabas. Sawa na raw sila sa panonood ng actions series ni Coco. Sabi nung […]

  • Cash aid distribution para sa pagkumpuni ng Paeng-hit houses, nagsimula na

    NAGSIMULA  na noong Lunes, Oktubre 31 ang probisyon ng  cash assistance para sa mga taong nawasak ang mga bahay dahil kay  Severe Tropical Storm Paeng.     Sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na ang pondo ay magmumula sa  assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng departamento.     “‘Yung […]

  • Ads October 17, 2024