• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senate building nasa total lockdown: 8 senador na ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19

INIUTOS  ni Senate President Migz Zubiri ang total lockdown sa Senate building sa Lunes, Aug. 22 matapos na umabot na sa pitong mga senador ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19 ngayong buwan.

 

 

Dahil dito, lahat na mga Senate employees ay pansamantala muna sa kanilang “work from home” upang bigyang daan ang isasagawang disinfection.

 

 

Muling babalik ang sesyon ng mga senador sa Aug. 23, araw ng Martes.

 

 

Una rito, kinumpirma rin ni Sen. Joel Villanueva na nagpositibo siya sa COVID.

 

 

Magkasunod na kinumpirma rin nina Senators JV Ejercito at Nancy Binay na parehong nagposito rin sila sa COVID-19.

 

 

Kung maalala ang iba pang mga mambabatas na nagpositibo rin sa COVID-19 ay sina Senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Cynthia Villar, Grace Poe at si Sen. Chiz Escudero na naka-isolate rin matapos maging close contact.

 

 

“Please stay safe and healthy everyone. Together we shall fight this virus and continue to deliver government service as efficiently as possible. Maraming salamat po,” ani Zubiri sa advisory.

 

 

Sa ngayon pinapairal muna ang mas mahigpit na pag-oobserba ng health protocols sa Senado dahil pa rin sa naturang outbreak matapos na magkakasunod na tinamaan ng virus ang walong mga senador mula ng magbukas ang 19th Congress noong buwan ng Hulyo. (Daris Jose)

Other News
  • Reynang-reyna sa 15 million Youtube subscribers: IVANA, mas pinili na ‘wag mag-allow ng politics or election-related content sa vlog

    WALA nang iba pang reyna ng Youtube sa mga artista kung hindi ang sexy actress na si Ivana Alawi.      Nag-post si Ivana last Thursday sa kanyang Instagram account na 15 million na ang kanyang Youtube subscribers.     “Happy 15 million subscribers on Youtube!!!”     At parang pa-bonus ba niya o pasasalamat […]

  • BBM, Comelec pinasasagot ng SC sa DQ case

    PINASASAGOT  ng Supreme Court (SC) ang kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa iniakyat sa kanilang disqualification case laban sa una.     Bukod sa kanila, pinasasagot din ng SC ang Senado at ang House of Representatives, na isinampa sa petisyon na isinumite nina Fr. Christian […]

  • Forever grateful dahil maraming magagandang nangyari: KIM, pinupuri ng netizens dahil sinama pa rin si XIAN sa ‘2023 recap’

    SA pagsisimula ng bagong taon, nag-post si Kim Chiu sa kanyang Instagram account ng positibong mensahe.   Kalakip nito ang series of photos, at kasama rin ang mga close friends na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban, na naka-tag din sa naturang post.   May caption ito ng, “DAY 1 of 2024!   “Start of […]