Pangako ng DepEd, lagyan ng ‘pananggalang” ang batas na magbabalik sa mandatory ROTC
- Published on August 24, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO ang Department of Education (DepEd) na makikipagtulungan sa Kongreso na hindi mangyayari ang bullying sakali at maipatupad ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa, suportado ng departamento ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na buhayin ang programa subalit nilinaw na ang gagawing pagbabalik sa ROTC ay kailangan na paganahin ang batas, kapangyarihan na nasa ilalim ng legislative branch.
“Para sa kaalaman ng publiko, ang pagsasagawa ng mandatory ROTC is not something DepEd can do. It’s an act of Congress. It will need an enabling law. Tayo, we will have to sit down with Congress and CHED (Commission on Higher Education) kung may mapafile na bill to discuss ‘yung details kung ano ba ang magiging sistema ng ROTC. In terms of the general idea, the DepEd supports ‘yung ating Pangulo sa panukalang ito,” ayon kay Poa.
“We’re not turning a blind eye, alam natin na may insidente ng ganyan. We will not sugarcoat things. This is in the implementation part, that’s why when we see ‘yung panukala….We will make sure na doon sa bill may safeguards na mailalagay para ‘yung bullying ay hindi maulit. Maipapakita natin natuto po tayo sa previous incidents na ganyan,” dagdag na pahayag ni Poa.
Kabilang sa mga mahahalagang legislative agenda na isusulong ng administrasyon ni Pangulong Marcos ay ang pagbabalik ng mandatory ROTC sa senior high school programs sa lahat ng public at private na eskwelahan sa bansa.
Sa kanyang kauna-unahang state of the nation address (SONA) ngayong araw, nanawagan si Pres. Marcos sa Congress na magpasa ng batas para sa pagbabalik ng ROTC upang ihanda ang mga estudyante na ipagtanggol ang bansa at makatulong sila sa ano mang kalamidad o sakuna.
Ayon sa pangulo, ang mga Grade 11 at Grade 12 sa lahat ng pampubliko at pribadong tertiary-level educational institutions ay dapat na i-require na magpatala sa mga military program para mayroong reservists ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makakatuwang nito.
“This will seek to reinstitute the ROTC program as [a] mandatory component of senior high school programs (Grades 11 and 12) in all public and private tertiary-level educational institutions,” pahayag ni President BBM.
“The aim is to motivate, train, organize and mobilize the students for national defense preparedness, including disaster preparedness, and capacity building for risk-related situations,” dagdag niya sa kanyang mahigit isang oras na 1st SONA. (Daris Jose)
-
Ninang na si Ana, nagregalo ng white piano: Anak nina DINGDONG at MARIAN na si ZIA, posibleng maging classical singer
NAGKAROON ng bonggang launching ang Vivamax para sa napakarami nilang naka-lineup na bagong movies and series for streaming simula ngayong summer. Napaka-successful naman kasi ng Vivamax dahil simula lang nang ilunsad ito nitong pandemic, it became the number 1 local streaming platform with 3 million subscribers at parami pa nang parami. […]
-
Malakanyang, nakiisa sa buong mundo para sa pagdarasal na matapos na ang girian sa Ukraine
NAKIISA ang Malakanyang sa bansa at sa buong mundo para sa pagdarasal para sa mas maaga at mapayapang resolusyon sa girian sa Ukraine. “We reiterate the position of the Philippines that war benefits no one, and that it exacts a tragic, bloody toll on the lives of innocent men, women, and children in […]
-
Ads April 24, 2024