Train law package 4, aprubado sa Komite
- Published on August 26, 2022
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng House Committee on Ways and Means ang panukalang Package 4 of Republic Act 10963, o “Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.”
Dating tinawag na “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA),” aamyendahan ng Package 4 ang ilang seksyon ng RA 8424 o National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997, na magbabawas sa documentary stamp tax (DST) na ipinapataw sa lotto tickets mula P0.20 sa P0.10.
Ayon sa chairman nitong si Albay Rep. Joey Sarte Salceda, awtor ng House Bill 375, sa kabila na magkakaroon ng revenue losses sa gobyerno dala nito aymakakatulong naman na hidi maapektuhan ang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bunsod na rin sa pagtaas ng presyo ng tiket sa hinaharap.
Kabilang ang HB 375 sa HBs 2111 at 3244 sa pinagsama-samang substitute bill para sa panukalang Package 4 ng TRAIN Law.
Nagkasundo rin ang komite na isama sa panukala ang proposal ng Department of Finance (DOF) at Department of Trade and Industry (DTI) na alisin ang excise tax exemption sa pick-up trucks na isinulong sa ilalim ng TRAIN.
Nakasaad ito sa liham na ipinadala ni Finance Secretary Benjamin Diokno, kung saan nakasaad din na magreresulta ito ng tinatayang dagdag kita na P52.6 billion mula 2022 hanggang 2026.
Gayundin, inaprubahan din ng komite ang unnumbered substitute bill sa HBs 373, 2014, 2246, at 3888 o panukalang “Philippine Mining Fiscal Regime Act.”
-
WHO naalarma na, 180,000 healthcare workers namatay dahil sa COVID-19
Nababahala na ang World Health Organization (WHO) na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga healthcare workers sa buong mundo kapag kulang ang bakunahan. Sinabi ni WHO head Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na kailangang prayoridad na bakunahan ang mga healthcare workers dahil nasa 80,000 hanggang 180,000 na ang mga healthcare workers na namatay […]
-
Para sa mahusay na pagganap sa ‘Cattleya Killer’: ARJO, tinanghal na Best Male Lead sa ‘ContentAsia Awards 2024′
KINILALA na naman ang husay sa pag-arte ng multi-awarded actor turned politician na si Congressman Arjo Atayde matapos na parangalan sa ContentAsia Awards 2024 na ginanap nitong Huwebes, September 5 sa Taipei, Taiwan. Si Arjo ang nanalo bilang Best Male Lead in a TV Programme/Series para sa kanyang pagganap bilang Anton dela Rosa sa […]
-
Nakagugulat din ang chemistry nila ni Xian: RYZA, ‘di na maaaring pagtaasan ng kilay ngayon bilang aktres
SA aming personal na opinyon, hindi na maaaring pagtaasan ng kilay ngayon si Ryza Cenon bilang aktres. Pinatunayan niya na kaya niyang maging mahusay na artista sa napaka-epektibo niyang portrayal bilang si Aurora (taong 1900), Belen (taong 1950) at Elly (year 2020) sa pelikulang ‘Sana Muli1 ng Viva Films. Matagal na naming kilala si Ryza, […]