• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

500 Valenzuelanos nakatanggap ng tulong medical mula sa DSWD

UMABOT sa 500 kwalipikadong Valenzuelano ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay na tulong medikal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at REX Serbisyo Center sa Valenzuela City Amphitheater.

 

 

Ang tulong medikal ay naging posible sa pamamagitan ng DSWD program Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Isang tulong para sa mga indibidwal o pamilya na nakakaranas ng matinding dagok sa buhay o krisis na pinalala ng pandemya ng COVID-19.

 

 

Ang suportang ibinibigay ng AICS ay isang tugon sa kanilang mga pangangailangan tulad ng medikal, libing, transportasyon, edukasyon, pagkain, o cash assistance para sa iba pang support services.

 

 

Ang 500 Valenzuelano na ito ay may nakabinbin at naghihintay na mga kahilingan upang matulungan sa kanilang mga gastusin sa pribadong ospital, maintenance medicines, at mga pamamaraang medikal tulad ng dialysis at laboratoryo. Gayunpaman, tinatasa ng mga manggagawa ng DSWD ang mga benepisyaryo batay sa pamantayan kung magkano ang tulong na kanilang ibibigay.

 

 

“Ang request ko sa mga nakatanggap ng medical assistance ngayon ay ipamalita ninyo sa mga kakilala ninyo, dahil marami pa ang hindi nakakaalam, na kahit private yung hospitals, basta kumpleto naman ang papeles o requirements ay pwede naman pumunta sa REX Serbisyo Center. Hindi man ito ora mismo dahil inaayos pa ng DSWD ang pondo, pero nakakarating at nakakarating naman.” Pahayag ni Cong. REX Gatchalian.

 

 

Ang REX Serbisyo Center at DSWD ay magtatakda ng isa pang batch ng mga benepisyaryo ng Valenzuelano na tatanggap ng tulong medikal sa ilalim ng programang AICS sa mga susunod na araw. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Audio record’ ng Chinese Embassy ukol sa pag-uusap sa WPS, paglabag sa batas ng Pinas

    MALINAW na paglabag sa batas ng Pilipinas ang pag-amin ng Chinese Embassy na mayroon itong audio recording ng isang Filipino general na nakikipag-usap sa Chinese diplomat kaugnay sa “new model” agreement sa West Philippine Sea (WPS).     “Kung totoo man ito, labag sa international relations at labag sa batas dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa […]

  • Pilipinas target na maidepensa ng titulo sa SEA Games

    PINANGUNAHAN ni Olympic pole-vaulter EJ Obiena na nagsilbing flag-bearer sa pormal na pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Kasama nito na pumarada si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino at 30 miyembro ng Philippine contingent.     Mayroong kabuuang 495 na atleta ng bansa ang sasabak sa 39 sports event. […]

  • Sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA Network: DINGDONG, pinatunayan na mahalaga ang trust at loyalty

    MULING pinatunayang ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pagiging loyal sa GMA Network na naging tahanan na niya sa maraming taon.     Muli ngang pumirma ng kontrata ang multi-awarded actor at host sa Kapuso Network kahapon, ika-9 ng Mayo na dinaluhan ng top executives ng network na sina GMA Network Chairman Atty.   […]