DOTr nilinaw na walang budget para sa Libreng Sakay sa taong 2023
- Published on August 27, 2022
- by @peoplesbalita
NILINAW ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Marke Steven Pastor na hindi nakatanggap ng alokasyon sa 2023 budget ng ahensya ang pagpapatuloy ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa susunod na taon at magbigay ng insentibo sa mga driver at operator ng public utility vehicle (PUV).
Aniya, humiling ang ahensya ng P12 bilyon para sa service contracting program para sa taong 2023.
Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), ang DOTr ay may panukalang badyet na P171.1 bilyon para sa susunod na taon, mas mataas ng 120.4% mula sa P75.8 bilyon noong 2022.
Ang service contracting o “Libreng Sakay” program ay inisyatiba ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inilunsad noong huling bahagi ng 2020 sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act para matulungan ang mga commuter at mga sa sektor ng pampublikong sasakyan na apektado ng pandemya.
Sa ilalim ng service contracting program, ang mga operator at driver ng PUV na lumahok sa libreng ridership program ng gobyerno ay makakatanggap ng payout at lingguhang bayad batay sa bilang ng mga kilometrong binibiyahe kada linggo, may pasahero man sila o wala.
Ipinagpatuloy ng DOTr ang pagpapatupad ng programa noong 2021 at 2022.
Naunang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order (SARO) at ang Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon, na sasakupin ang karagdagang pondo na kailangan para sa pinalawig na Libreng Sakay program mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2022. (Daris Jose)
-
Gunman na pumatay sa radio commentator na si Percy Lapid, sumuko
SUMUKO na ang gunman sa pumatay diumano sa radio commentator na si Percy Lapid (Percival Mabasa), na siyang ngumuso rin sa tatlo pang suspek habang isinisiwalat na tumanggap siya ng utos mula sa loob ng Bilibid. Martes nang iharap ni Interior Secretary Benhur Abalos ang suspek na si Joel Salve Estorial, na sumuko […]
-
Bong Go: Sakit sa puso ‘top killer’ sa Pinas kaya mahalaga ang RSC, SHC
BINIGYANG DIIN ni Senator Christopher “Bong” Go ang mahalagang papel ng Republic Act No. 11959, kilala rin bilang “Regional Specialty Centers Act”, bilang tugon sa nakababahalang istatistika na ang sakit sa puso ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas. Pangunahing itinaguyod ni Go at isa sa mga may-akda sa Senado, ang batas ay […]
-
DSWD: 3M pangalan kinalos sa SAP beneficiaries
Nagtanggal ng nasa tatlong milyong pangalan ang Department of Social Welfare and Development mula sa listahan ng Social Amelioration Program beneficiaries na makatatanggap sana ng second tranche ng ayuda. Ayon kay DSWD Undersecretary Glen Paje tinanggal ang mga pangalan dahil sa iba’t ibang rason tulad ng: · double listing; · nakatanggap na ang […]