• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suplay ng beep cards, kakapusin

INAASAHANG magno-normalize muli ang suplay ng mga beep cards o  stored-value cards (SVCs) sa unang bahagi ng 2023.

 

 

Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Rails Cesar Chavez kahapon kasunod nang nakaambang kakulangan ng beep cards.

 

 

Ipinaliwanag ni Chavez na ang problema ay dulot ng shortage ng suplay ng global chip na nag-ugat sa COVID-19 lockdown sa China at kaguluhan sa Ukraine.

 

 

Sa pahayag ng DOTr kamakailan, sinabi nitong nabigo ang Beep card provider na AF Payments Inc. (AFPI) na magdeliber ng kinakaila­ngan nilang 75,000 SVCs.

 

 

Sa gitna ito nang inaasahang pagtaas ng demand ng beep cards bunsod nang inaasahang pagdami ng mga pasahero ng MRT-3 ngayong unti-unti nang ibinabalik ang face-to-face classes sa bansa.

 

 

Tiniyak naman ng DOTr na may mga inilatag na rin silang mga pamamaraan upang tugunan ang problema at maabot ang demand ng commuters para sa contactless cards.

 

 

Nakiusap din si Chavez sa publiko na i-share ang kanilang beep cards sa iba upang mabawasan ang epekto ng naturang kakulangan. May mga tao anya na dalawa o tatlo ang Beep cards. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 19, 2023

  • ‘Wag ibenta, ‘wag paupahan – NHA

    BINALAAN ng National Housing Authority (NHA) ang mga housing beneficiaries na huwag ibenta o paupahan ang pabahay na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.     Ayon kay NHA Ge­neral Manager Joeben Tai, maaaring malagay sa blacklist o makansela ang ibinigay na pabahay kapag ibinenta o pi­naupahan.     “Those who are selling or renting out […]

  • Renomination ni Nograles bilang chairperson, OK sa CSC

    WELCOME sa Civil Service Commission (CSC) ang ginawang ‘renomination”  ni  President-elect Ferdinand Marcos Jr. kay dating cabinet secretary Karlo Nograles bilang  Chairperson-designate ng nasabing ahensiya.     “We were already off to a good start with Chair Karlo’s earlier brief stint at the Commission. Now that he’s back, I, together with Commissioner Ryan Acosta, as […]