• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, nagpaliwanag sa pagbaba ng suplay ng kamote sa PH; taas-presyo, pansamantala lamang

NAGPALIWANAG  ang Department of Agriculture sa kakulangan ng suplay ng kamote sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban, talagang nagkukulang ang suplay ng kamote kapag panahon ng tag-ulan dahil hindi masyadong lalaki ang mga ito.

 

 

Subalit pagsapit naman aniya ng buwan ng Oktubre, Nobiyembre at Disyembre inaasahan na tataas na ang suplay at pansamantala lamang ang taas-presyo ng kamote sa mga merkado dahil inaasahang bababa rin ito kapag dumami na muli ang suplay.

 

 

Ayon kay Panganiban, nagmumula ang suplay ng sweet potatoes o kamote sa Central Luzon, Southern Tagalog at Northern Luzon na tinamaan ng severe tropical storm Florita.

 

 

Kaugnay nito, inatasan na rin aniya ang Bureau of Plant Industry para kolektahin ang mga data sa kung ilan ang nabawas sa suplay ng kamote ngayong taon.

 

 

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority , ang production ng kamote sa bansa ay tumaas ng 278,330 metric tons mula January hanggang June 2022 kumpara sa 273,090 MT ng kaparehong period noong nakalipas na taon.

 

 

Subalit sa datos mula 2020 at 2021 , nakitaan ng pagbaba sa suplay ng agricultural products mula July hanggang buwan ng Setyembre.

Other News
  • Top 8 most wanted person sa Valenzuela, nabitag sa Pangasinan

    NAGWAKAS na ang mahigit sampung taon na pagtatago sa batas ng isang lalaki na nasa top 8 most wanted person ng Valenzuela City Police Station (VCPS) matapos kumagat sa pain ng pulisya na makipag-date na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya sa Pangasinan.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]

  • Dwayne Johnson, Announces Premiere Date of Netflix Film ‘Red Notice’ With Ryan Reynolds and Gal Gadot

    NETFLIX just revealed the release date of its biggest movie Red Notice and set to premiere globally this November 12.     This is announced by Dwayne Johnson on his Instagram, where he uploaded a photo of him with his co-stars Ryan Reynolds and Gal Gadot.     In his caption, he said: “Ladies & gents @Netflix’s biggest movie ever #REDNOTICE will premiere in […]

  • OPM Icon na si Claire, pumanaw na dahil sa cardiac arrest

    NAGLULUKSA ang mga OPM artist sa pagpanaw ng kinilalang “The Karen Carpenter of the Philippines” na si Claire dela Fuente.     Cardiac arrest ang dahilan ng pamamaalam ni Claire nitong March 30 sa edad na 62.     Isa sa maituturing na OPM icon si Claire dahil sa mga sumikat niyang mga awitin noong […]