DTI: Mag-stock na ng pang-Noche Buena
- Published on August 29, 2022
- by @peoplesbalita
DAHIL simula na ng “ber” months sa susunod na linggo, pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers na mag-stock na ng pang Noche Buena habang hindi pa gumagalaw ang presyo ng mga bilihin.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi naman agad nai-expire ang mga panghanda sa Pasko o Bagong Taon kaya puwede nang mamili.
“Ang advice natin sa consumers, marami pong mga Christmas products na hindi naman kaagad-agad nag-i-expire. So, sa panahon na ito kung kaya rin lang natin na mag-ipon na or mag-stock na ng mga ganitong produkto, puwede na tayong mamili habang hindi pa gumagalaw ang presyo,” ani Castelo sa Laging Handa press briefing.
Sinabi pa ni Castelo na tiyak na tataas ang presyo ng mga bilihin kaya mabuting mamili na ng maaga.
Pinayuhan din niya ang mga consumers na tingnan ang mga promo packs na naka-bundle dahil mas makakamura ang mga ito ng mula P20 hanggang P70.
Posibleng sa huling linggo ng Oktubre o sa unang bahagi pa ng Nobyembre maglalabas ng Noche Buena bulletin ang DTI bilang gabay sa mga mamimili kung magkano lang talaga ang dapat na presyo ng mga produkto na panghanda sa Noche Buena. (Daris Jose )
-
Ads July 24, 2024
-
Ikinaloka ng netizens, ano raw ang gustong patunayan?… ANDI at PHILMAR, isinapubliko ang sabay nilang pagpapa-tattoo
MAGKASABAY ngang nagpa-tattoo sa kanilang mga braso sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos magkaroon ng isyu tungkol sa panloloko. Makikita ito sa in-upload na video sa Instagram page ng Island Tattoo Piercing Studio sa isla ng Siargao kung saan naka-base sina Andi at Philmar. Kasama rin sa tattoo studio ang kanilang mga anak na […]
-
PATAFA pres. Juico umalma sa pagdeklara sa kaniya ng POC bilang persona non-grata
BINATIKOS ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico ang pagdeklara sa kaniya ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang persona non-grata dahil sa alitan nila ni pole vaulter EJ Obiena. Sinabi ni Juico na walang anumang due process na ginawa ang POC at basta na lamang siya idineklara bilang […]