Mga makabagong bayani, pinarangalan ni PBBM
- Published on August 30, 2022
- by @peoplesbalita
PINARALANGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga makabagong bayani ng makabagong panahon dahil sa malasakit at kabutihang loob ng mga ito na naging mas mabuti ang kalagayan ng bansa ngayon.
Sa pagdalo ng Pangulo sa National Heroes Day event sa Libingan ng mga Bayani, araw ng Lunes, Agosto 29, bahagi ng talumpati nito ang pagkilala sa mga magsasaka, agricultural worker na buong araw ay nagsisikap upang matugunan ang mga pangangailangan para sa seguridad ng suplay ng pagkain.
“Kung hindi dahil sa kanila, wala tayong pagkaing maihahaing sa ating mga pamilya. Tunay silang mga bayani kailanman,” ayon kay Pangulong Marcos.
Pinasalamatan din niya ang mga sektor ng kalakalan at industriya na nangunguna sa landas tungo sa maunlad na ekonomiya.
May mga hamon man aniyang hinaharap sa nagdaang dalawang taon ay patuloy pa ring binuksan ng mga ito ang kanilang mga negosyo para sa publiko.
Kahanga-hanga rin aniya pakikiisa ng mga ito sa pamahalaan lalo na may mga negosyong matapat na nagbabayad sa kanilang empleyado kahit na nauubusan na ang kanilang pondo.
Bukod dito, ikinararangal din ng Punong Ehekutibo ang lahat ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho ng buong husay at buong dangal. Sa bawat likha aniya ng mga kamay ng mga ito ay mas lalong pinagtitibay ang pundasyon ng ekonomiya at lipunan.
“Isang malaking karangalan ang makapiling kayong lahat sa pagdriwang ng araw ng mga bayani. panatag nating naitataguyod ang ating sarili at ang ating bansa ngayon dahil sa mga dakilang bayani ng ating bayan. Kaya sa pagtitipong ito, buogn lugod nating kinikilala ang ipinamalas nilang tapang, malasakit at pagibig sa ating tinubuang lupa,” ayon sa Pangulo.
“ginugunita din natin ang taimtim… ang pawis, dugo at buhay na kanilang inalay para sa ating kapakanan, kalayaan at kinabukasan. dahil sa kanilang sakripisyo, gumaan ang mga suliranin pinapasanan natin sa buhay at sa lipunan. inialay nila ang kanilang lakas at kakayahn hindi para sa papuri o gatimpala kung hindi upang pagtibayin ang diwa ng pagkakaisa at upang makamit ang ating mga pangarap para sa bayan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Ngayon naman aniya na nagbalik na sa paaralan ang mga kabataang mag-aaral, pinapurihan din ng Pangulo ang mga guro at iba pang kawani sa sektor ng edukasyon dahil sa hindi matatawarang dedikasyon ng mga ito sa kanilang pagtutulungan na maging ligtas ang pagbubukas ng klase.
Panatag aniya ang kanyang kalooban nasa mabubuting kamay ang mga kabataan.
Sa kabilang ako, sinabi pa ng Pangulo na hindi rin aniya dapat kinakalimutan ng lahat ang mga propesyunal at mga manggagawa sa sektor ng kalusugan na araw-araw na nakikipagsapalaran sa panganib ng kalakip ng kanilang sinumpaang tungkulin.
“Kanilang isinasalang-alang ang sariling kaligtasan at kalusugan malagpasan lamang ng ating mga kababayan ang pandemyang kinahaharap natin ngayon,” ani Pangulong Marcos.
Kabilang din aniya sa mga frontliner ang kapulisan, ang mga sundalo, ang mga barangay official, community leader, pati na rin ang mga ecological warriors at iba pang sektor na sa kani-kanilang paraan at mga tungkulin ay patuloy na naglilingkod sa bayan at sa mga kapwang mamamayan.
Hindi rin aniya niya kinakalimutan ang mga manggagawang mandarayuhan o mas kilala sa tawag na OFW.
“Silang lahat na nagsasakripisyo sa ibayong dagat mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa kabila ng mga pagsubok ng kanilang hinaharap, sinisuguro natin na sila ay ligtas lalo na ang mga naiipit sa mga kaguluhan sa bansang kanilang kinaroroonan,” lahad nito.
Samantala, sa pagdiriwang ngayon ng National Heroes Day ay inaalala rin aniya ng lahat ang kabayanihan ng mga beteranong nakipaglaban noong panahon ng digmaan.
Makakaasa aniya ang mga beteranong sundalo na mananatiling aktibo ang gobyerno sa pagsusulong ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga ito lalo na para sa kanilang mga rekisitong may kinalaman sa pangkalusugan.
“Kaisa ng Philippine Veterans Affairs Office, magpapatayo tayo ng mga ospital sa Visayas at Mindanao na ilalaan natin para sa ating mga beterano. Nais ko rin kunin ang pagkakataong ito upang magpaalala sa lahat na sumunod na sa direktibo ng pamahalaan hinggil sa ating kalusugan,” ayon sa Chief Executive.
Inanyayahan naman ng Pangulo ang lahat na magpabakuna at makiisa sa mga vaccination program upang mapangalagaan ang kalusugan hindi lamang ng mga sarili kung hindi na rin ng mga kapwa.
Ito aniya ang tamang panahon upang pagtibayin ang lakas at maghanda sa mabilis at siguradong pagbangon ng ekonomiya.
“Manalig tayong sisikat at sasapit din ang mas ligtas at mas masaganang kinabukusan para sa ating lahat,” giit ng Pangulo.
“Ipinamalas sa atin ng kasaysayan na ang ating kolektibong lakas ay maghahatid sa atin sa ruruok ng tagumpay. Ang mga bayaning nagalay ng sarili para sa atin ay huwarang patutuo sa pangako ng pag-asa ng ating pinanghahawakan. kaya naman dapat lamang natin pahalagahan ng wasto anga ting kalayaan at ibaling ang ating mga kinikilos na ayon sa pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa,” aniya pa rin.
“Habang ang mga makabagong panahon ay nagbibigay sa atin ng mga pagbabagong kailangang harapin, tiyak na malalampasan natin ang kahit na anong pagsubok kung magiging bayani tayo sa ating mga sariling pamamaraan. Gamitin natin ang ating kakayahan upang panibaguhin ang ating kapaligiran para sa higit na ikakabuti ng lahat,” lahad nito.
Ang panawagan pa ng Pangulo sa lahat ay huwag ikulong ang mga sarili sa hidwaan at paghihilahan ng pababa. Sa halip aniya ay maging instrumento ng pagkakaisa, ng kapayapaan.
“Umaasa ako na sa halimbawa ng ating mga dakilang bayani, higit nating isasabuhay ang kanilang ipinakitang pagibig sa bayan at ipinagtatanggol at ipinaglalaban nilang panata sa kabutihan. Buong tapang nating harapin ang anumang hamon na hinaharap na may tiwala tayo na higit na lalakas at magiging matagumpay kung tayo ay patuloy na magkakaisa at magtutulungan bilang isang bansa,” ayon sa Pangulo.
“Maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay ang mga Pilipinong bayani, noon, ngayon at kailanpaman,” ang pagbati nito. (Daris Jose)
-
P1 dagdag pasahe sa jeepney, approve na sa NCR, Reg. 3 at Reg. 4 – LTFRB
INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng mga jeepneys drivers na dagdag na pisong taas ng pamasahe. Gayunman ang fare hike ay para lamang sa mga jeepneys na bumabiyahe sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa simula sa darating na Huwebes. Dahil dito nasa […]
-
Walang trabaho sa Pilipinas lumobo sa 2.37 milyon
LALO pang tumindi ang kawalang trabaho sa Pilipinas sa pagpasok ng 2023 matapos umabot sa 4.8% ang unemployment rate nitong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority. Kapansin-pansing mas mataas ito kumpara sa nasa 4.3% lang noong Disyembre 2022 sa nakaraang Labor Force Survey ng gobyerno. “Unemployment rate in January 2023 was […]
-
‘DAANG DOKYU’ CLOSES WITH 6 FILMS FOR THE SECTION CALLED ‘FUTURE’
IMAGINE behind-the-scenes footage from the sets of Lav Diaz, Erik Matti, Dan Villegas, and Dodo Dayao repurposed into an uncanny narrative summoning present-day milieus involving police, prisoners, and fascism. That’s John Torres’ We Still Have to Close Our Eyes (2019), which will have its Philippine debut at Daang Dokyu on October 30, 2020. The […]