• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtiyak ng SSS, walang data records ng mga miyembro ang naapektuhan ng sunog sa main office

TINIYAK ng Social Security System (SSS) na walang data records ng mga miyembro nito ang naapektuhan ng sunog na tumama sa main office, Linggo ng madaling araw, Agosto 28.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng  SSS na ang lahat ng payments ay tatanggapin at ipo-post nang naaayon.

 

 

“SSS assures the public that all member data records are not affected and there is no interruption in the delivery of its services in all branches and via online thru My.SSS, SSS Mobile App, and uSSSap Tayo portals,”dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, nasunog ang bahagi ng main building ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Barangay Pinyahan, Quezon City, sa nasabing araw.

 

 

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog sa electric room ng data center sa unang palapag ng gusali.

 

 

Itinaas ang first alarm bandang 2:05 a.m. at naapula ang apoy ng 5:11 a.m.

 

 

Walang namang naiulat na nasaktan sa sunog na tumupok sa P700,000 halaga ng mga gamit ng ahensya.

 

 

Inaalam na ang sanhi ng sunog at kung may iba pang mga kwarto sa punong tanggapan na naapektuhan ng sunog. (Daris Jose)

Other News
  • Saso humiling ng respeto sa kanyang desisyon

    Humingi ng pang-u­nawa si Filipino-Japanese golfer Yuka Saso sa naging desisyon nitong piliing katawanin ang Japan sa mga international competitions.     Ayon kay Saso, mananatili sa kanyang puso at isipan ang dugong Pinoy dahil isa itong lehitimong Pilipina na ipinanganak sa Pilipinas ng kanyang Japanese na tatay at Pilipinang nanay.     Parehong kabisado […]

  • CONVICTED CALAUAN MAYOR SANCHEZ, PUWEDE SA GCTA

    MAARING mapalaya si convicted Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez  sa ilalim ng General Conduct Time Allowance (GCTA), ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.   ” He was entitled to GCTA under revised penal code,”ayon kay Guevarra.   Nabatid na si Sanchez ay nahatulan noong Marso 14,1995 dahil sa panggahasa at pagpaslang sa magkaibigan na si […]

  • Repasuhin ang Philippines-Japan Economic Agreement (PJEPA), apela ni Speaker Romualdez

    UMAPELA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na repasuhin ang Philippines-Japan Economic Agreement (PJEPA) upang mabawasan, kung hindi man tuluyang maaalis, ang taripa na ipinapataw sa produktong agrikultural ng Pilipinas na ibinebenta sa Japan.     Ginawa ng lider ng Kamara ang apela sa kanyang pakikipagpulong sa mga mambabatas ng Japan na bahagi ng Philippines-Japan Parliamentarians’ […]