PBBM kinilala ang manggagawa, magsasaka sa National Heroes’ Day
- Published on August 31, 2022
- by @peoplesbalita
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magsasaka at mga manggagawang Filipino na tinawag niyang mga makabagong bayani ng kasalukuyang panahon.
Sa kanyang talumpati sa paggunita ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi ni Marcos na naging mas mabuti ang kalagayan ng bansa sa ngayon dahil sa mga makabagong bayani ng ating panahon.
“Sa araw na ito, pinararangalan natin ang ating mga makabagong bayani ng ating panahon dahil sa kanilang malasakit at kabutihang loob naging mas mabuti ang kalagayan ng ating bansa ngayon,” ayon sa Pangulo.
Sinabi rin ni Marcos na kinikilala niya ang mga magsasaka at agricultural workers na buong araw ay nagsisikap upang matugunan ang pangangailangan para sa seguridad sa suplay ng pagkain.
Pinasasalamatan din ng Pangulo ang mga sektor ng kalakalan at industriya na nangunguna aniya sa landas tungo sa maunlad na ekonomiya.
“Dahil sa kanilang sakripisyo, gumaan ang mga suliranin pinapasanan natin sa buhay at sa lipunan. Inialay nila ang kanilang lakas at kakayahan hindi para sa papuri o gatimpala kung hindi upang pagtibayin ang diwa ng pagkakaisa at upang makamit ang ating mga pangarap para sa bayan,” ani Marcos. (Daris Jose)
-
MAINE, halos walang pahinga sa pagti-taping ng tatlong shows; malapit nang bumalik sa ‘Eat…Bulaga!’
SAAN kaya kumukuha ang ilan sa mga showbiz vloggers ng balita nilang wala na raw contract si Phenomenal Star Maine Mendoza sa Triple A (All Access To Artists) ng APT Entertainment. Kaya nagtanong kami sa Triple A kung ano ang totoo at ito ang sagot nila: “Blessed lang talaga ang ating phenomenal star […]
-
Istasyon ng EDSA busway sa SM North nagkaroon ng ground breaking
MAGKAKAROON ng isang “state-of-the-art” na estasyon na tatawaging Edsa Busway sa SM North EDSA matapos ang ginawang seremonya para sa ground breaking ng nasabing proyekto. Tinatayang matatapos ang Edsa busway sa darating na July 31, 2024 kung saan ito ay magkakaron ng concierge, ticketing booth, at turnstiles para sa automatic fare collection […]
-
UPANG lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports
UPANG lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports, pumirma ng memorandum of understanding (MOU) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco kasama ang Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) na kinakatawan nina Dr. Jerome Porto, chairperson ng UST Institute of Physical Education and Athletics (IPEA), at Asst. Prof. Marcelita […]