• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

153K mag-aaral, tumanggap na ng ayuda – DSWD

TUMANGGAP  na ng educational assistance ang may 153,315 mag-aaral sa una at ikalawang Sabado ng pamamahagi ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Bunsod nito, may kabuuang P387.9 milyon na ang naipamahagi ng DSWD sa buong bansa para sa naturang ayuda.

 

 

Noong Agosto 28 na ikalawang Sabado ay 79,747 beneficiary nationwide ang nabigyan ng ayuda o P199.6 milyong halaga ng cash aid.

 

 

Sa naturang mga benepisyaryo, ang pinaka malaking pondo ay napunta sa 26,704 college/vocational beneficiaries na may halagang P106.6 million; P33.9 milyon naman sa 11,286 senior high school beneficiaries; P34.4 milyon sa 17,254 high school qualified applicants; at P24.5 milyon sa 24,503 elementary students.

 

 

Patuloy din ang pakiki­pag-ugnayan ng DSWD sa pamamagitan ng kanilang Field Offices (FOs) sa mga LGU partners upang matiyak ang maayos at ligtas na pamamahagi ng cash aid sa mga piling indigent students.

 

 

Una nang nakipagkasundo ang DSWD sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mapangunahan ng LGUs ang paglalaan ng lugar at seguridad sa distribusyon ng ayuda.

Other News
  • APPLE ORIGINAL FILMS UNVEILS “KILLERS OF THE FLOWER MOON” KEY ART, AND SETS GLOBAL THEATRICAL RELEASE FOR MARTIN SCORSESE’S HIGHLY ANTICIPATED FEATURE FILM

    APPLE Original Films today unveiled the key art for Martin Scorsese’s highly anticipated “Killers of the Flower Moon,” and announced that the film will open wide, in theaters around the world, in partnership with Paramount Pictures, starting October 18.  Following its global theatrical run, the film will debut on Apple TV+. Starring a cast led […]

  • Movie nina Daniel at Charo, nagwagi ng ‘Youth Jury Prize’ sa 74th Locarno Film Festival in Switzerland

    NAGWAGI na naman ang Globe Studios ng another prestigious international award dahil ang movie na Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ang nanalo ng Cinema e Gioventu Prize (Youth Jury Prize) in the recent 74th Locarno Film Festival in Switzerland.     Produced alongside local production houses Cinematografica, Plan C, House […]

  • Provincial buses pinayagan sa EDSA dumaan pansamantala

    SINIMULAN noong April 3 hanggang April 10 na ang mga provincial buses ay pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dumaan sa EDSA dahil sa pagdagsa ng mga motorista at pasahero sa pag-alala sa Semana Santa.   Ang mga provincial buses ay maaaring dumaan sa EDSA mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga na […]