• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 Filipino cardinals dumadalo sa ipinatawag na ‘consistory’ sa Vatican ni Pope Francis

NASA  tatlong mga Filipino cardinals ang nasa Vatican ngayon upang dumalo sa dalawang araw na extraordinary consistory na ipinatawag ni Pope Francis.

 

 

Kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naturang impormasyon sa pamamagitan nang paglalabas ng larawan na magkakasama sa Vatican sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization; Cardinal Orlando Quevedo, ang Archbishop Emeritus ng Cotabato; at si Manila archbishop Cardinal Jose Advincula.

 

 

Makikita ang mga ito na nasa labas ng Paul VI Hall sa loob ng Vatican.

 

 

Sa naturang pagpupulong na magtatapos ngayong araw, inaasahang mag-aanunsiyo ang Santo Papa ng bagong mga cardinals.

 

 

Sa natura ring event si Pope Francis ay magtatalaga ng majority o 63 percent ng tinaguriang College of Cardinals.

 

 

Ang college ay grupo ng malalapit na mga assistants at advisers ng Pope.

 

 

Ito ay binubuo ng lahat ng mga Catholic Church’s cardinals mula saa iba’t ibang panig ng mundo. (Gene Adsuara)

Other News
  • Sotto sasabak sa NBA Draft

    ITUTULOY ni Kai Sotto ang pangarap nitong makapag­laro sa NBA matapos iha­yag ang pagsabak nito sa 2022 NBA Rookie Draft.     Mismong ang 7-foot-3 Pinoy cager na ang nagdeklara ng kanyang intensiyong lumahok sa draft sa kanyang post sa social media kahapon.     “I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray […]

  • PBBM, naiintindihan ang pagkalas ni Sara sa Lakas-CMD

    NAIINTINDIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na kumalaas at magbitiw bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.     Magkagayon man, sinabi ng Pangulo na hindi dapat magambala o magulo si Duterte mula sa mas mahahalagang tungkulin nito.     Tinuran ni Pangulong Marcos na dapat […]

  • Mas tinutukan at pinaboran si Kim: XIAN, unfair na sisihin sa nalalapit na pagkawala ng serye nila ni JENNYLYN

    UNFAIR naman na sa dating Kapamilyang aktor na si Xian Lim daw isinisi kung bakit mawawala na sa ere ang “Love, Die, Repeat”.    Last Jan. 15 lang sa taong ito umere ang nabanggit na GMA serye pero dahil sa mahina raw sa ratings kung kaya tatapusin na ang seryeng  pinagbibidahan nina Xian at Jennylyn […]