Matapos umani ng pauri sa acting sa ‘The Influencer’: SEAN, napiling bida sa ‘Fall Guy’ at ipalalabas sa international filmfest
- Published on August 30, 2022
- by @peoplesbalita
ANG swerte naman ni Sean De Guzman.
Matapos umani ng papuri sa acting sa huling movie niya na ‘The Influencer’, nakatakdang mag-premiere sa isang prestigious international filmfest sa Europe ang latest movie niya titled ‘Fall Guy.’
May second invite na ang ‘Fall Guy’ sa isang prestigious film festival sa Asia.
Si Joel Lamangan ang director ni Sean sa movie na siya rin ang nag-direk sa debut film ng aktor na ‘Anak ng Macho Dancer’.
Bilib si Direk Joel sa acting ni Sean kaya ito ang pinili niya na magbida sa ‘Fall Guy’ na ang script ay isinulat ni Troy Espiritu.
Isa pang maganda kay Sean, palaban ito sa mga sexy scenes, kahit na may nudity.
Basta raw may tiwala siya sa director ay gagawin niya kahit na anong eksena na ipagawa sa kanya.
Pero gusto rin patunayan ni Sean na may ibubuga siya sa acting kaya game din siya sa paggawa ng role na may hatid na acting challenge.
***
BUKOD sa ‘Darna’, na pinagbibidahan ni Jane De Leon, ano pa kayang creation ni Mars Ravelo ang gustong gawin serye ng ABS-CBN?
Kabilang sa mga creations ni Mars Ravelo na na-adapt na sa telebisyon ay ‘Lastikman’ at ‘Tiny Tony.’
Bida sa ‘Lastikman’ si Vhong Navarro at si John Prats sa ‘Tiny Tony.’
Ang hindi pa nagawan ng tv series ng ABS-CBN ang ‘Dyesebel’ bagamat nagawa na ito ng GMA na kung saan bida si Marian Rivera, at ilang beses na itong naisalin sa pelikula.
Kung sakaling maisipan ng Kapamilya Channel na gawin itong serye, sino sa mga favorite ninyong Kapamilya star ang gusto ninyong gumanap na Dyesebel?
(RICKY CALDERON)
-
PCSO chief Robles, pinagbibitiw
HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles na magbitiw dahil sa kabiguan umano nitong protektahan ang kabataan, lalo na ang mga bata mula sa e-lotto o online lotto project ng ahensiya. “It is accessible to anyone, even to young children whose […]
-
17 sangkot sa game-fixing scandal sa MPBL, haharap na sa kasong kriminal
Magsasampa na ang mga prosecutors ng criminal charges laban sa 17 indibidwal na sinasabing sangkot sa match-fixing scandal sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong 2019. Sa resolusyon ng Department of Justice (DoJ), nakitaan daw ng probable cause ang isinampang reklamo laban sa mga naturang indibidwal dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 […]
-
Kahilingan ng Akbayan di pinagbigyan ng DOTr
HINDI pinagbigyan ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ng Akbayan Party-list sa kanilang appeal na palawigin ang oras ng operasyon ng tatlong (3) railways systems sa Metro Manila. Ayon sa DOTr na kahit na ang kahilingan ay makakapagbibigay ng mas convenient na pagsakay ng mga pasahero sa gabi, ito naman ay nangangahulugan ng […]