Close lang pero ‘di pa papunta sa seryosong relasyon: Post ni DARREN, nag-viral dahil kay CASSY na nasa reflection ng eyeglasses
- Published on August 31, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAMIT din ni former senator and Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kanyang master’s degree mula sa Philippine Christian University (PCU), kung saan siya kumuha ng Master in Management, Major in Public Administration.
Noong nakaraang Sabado, August 27, kasama si Manny na nagmartsa sa 79th Commencement Exercises ng PCU sa Philippine International Convention Center kasama ang asawang si Jinkee Pacquiao.
“Former Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao (5th form left) poses with fellow members of Batch 2022. Pacquiao, together with about 30 Senate employees, received their Master’s degree in Management, Major in Public Administration,” tweet pa ng Senate of the Philippines.
Pinost naman ni Jinkee ang photo nila ni Manny na suot nito ang graduation cap and toga.
Noong December 2019, nagtapos si Manny sa University of Makati sa kursong Political Science, Major in Local Government Administration.
***
NAG-VIRAL ang isang post ni Darren Espanto kunsaan suot nito ang kanyang sunglasses at makikita sa reflection ay si Cassy Legaspi.
Sa isa namang selfie ni Darren, makikita na naroon sa kanyang harapan si Cassy. Kuha ang photos sa pagbisita ni Darren sa Nasugbu, Batangas.
“Throwin’ out the shade for a little bit of sunshine,” caption pa ni Darren sa kanyang post sa Instagram.
Sa IG account naman ni Cassy, nag-post din siya ng naging reflevction niya sa sunglasses ni Darren. Nilagyan niya ito ng caption na: “in the moment.”
Nang tanungin si Darren kung ano ang estado ng relasyon nito kay Cassy, sagot niya ay: “Kami po ni Cassy, we are very close. Best friends po kami so lahat talaga alam namin tungkol sa isa’t isa. At pati ang families namin ay parang sanay na parati kaming magkasama or lumalabas. Pero we aren’t taking anything serious din naman na masyado.”
Kung matatandaan ay naging marites ang ama ni Cassy na si Zoren Legaspi sa isang date nila ni Darren.
***
PAGKATAPOS humakot ng tatlong awards sa nakaraang 2022 MTV VMAs para sa kanyang dinirek na “All Too Well”, inanunsyo ni Taylor Swift na lalabas na ang kanyang bagong album sa October 21.
May title itong ‘Midnights’ at laman nito ay 13 new tracks. Ayon kay Taylor, ang kanyang new album ay may mga songs “that tell stories of 13 sleepless nights scattered throughout my life.”
Sa kanyang post sa IG: “We lie awake in love and in fear, in turmoil and in tears. We stare at walls and drink until they speak back. We twist in our self-made cages and pray that we aren’t — right this minute — about to make some fateful life-altering mistake.
“This is a collection of music written in the middle of the night, a journey through terrors and sweet dreams. The floors we pace and the demons we face. For all of us who have tossed and turned and decided to keep the lanterns lit and go searching — hoping that just maybe, when the clock strikes twelve …. we’ll meet ourselves.”
Huling na-release na album ni Taylor ay ang ‘Evermore’ noong December 11, 2020 pa.
Sa muling pag-attend niya ng VMAs after three years, nasagot na ang matagal nang tanong ng marami kung engaged na ba ito sa kanyang longtime boyfriend na si Joe Alwyn? Walang suot na engagement ring ang singer at solo lang siyang naglakad sa red carpet ng VMAs.
(RUEL J. MENDOZA)
-
DICT iminungkahi ang pagkilala ng digital version ng National ID
IMINUNGKAHI ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglalabas ng digital version ng Naitonal ID habang hindi pa natatapos ang printing ng mga cards. Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, na ang digital ID ay ginagamit na halos ng karamihan dahil ito ay madaling dalhin kumpara sa mga cards. […]
-
SUSPEK SA PAGPATAY SA SCAVENGER, ARESTADO
ARESTADO sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng MPD-Station 1 ang tatlong suspek sa pagpatay sa isang 15 anyos na scavenger sa Tondo,Maynila . Ayon kay MPD-PIO P/Major Philipp Ines, MPD-PIO, kasong murder ang kinakaharap ngayon ng mga suspek na sina Ellan Crisostomo,22, miyembro ng Commando gang; John Andrey Villanueva,21 at si […]
-
Updated guidelines laban sa mpox, inilabas ng DOH
Naglabas ang Department of Health (DOH) ng updated guidelines para mapigilan, ma-detect at mapangasiwaan ang mpox o dating tinatawag na monkeypox dito sa Pilipinas. Base sa inilabas na 8 pahinang Department Memorandum No. 2024-0306 na nilagdaan ni Health Secretary Ted Herbosa, pinapayuhan ang lahat na iwasan ang malapit na skin-to-skin contact gaya ng […]