• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taas pasahe, nakaamba sa Setyembre

MAY nakaambang panibagong pagtataas sa singil sa pasahe sa darating na Setyembre.

 

 

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Cheloy Garafil, maaaring ilabas nila ang desisyon sa susunod na buwan.

 

 

Anya may nakabinbin pang petisyon ang UV express vehicle sa singil sa pasahe bukod pa sa naunang inihain ng grupong 1-Utak, Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Dri­vers Association of the Philippines (Altodap), at Alliance of Concerned Transport Organizations (Acto).

 

 

Sinabi pa ni Garafil na panahon na para itaas ang pamasahe sa jeep lalo’t patuloy na tumataas ang ­presyo sa produktong petrolyo.

 

 

Ayon kay Garafil, reaso­nable at balanse ang magiging pasya ng LTFRB sa itataas sa  singil sa pasahe.

 

 

Gayunman, hindi pa tinukoy ni Garafil kung magkano ang maaaring itaas  sa pasahe.

 

 

Una rito, humihirit ang mga drayber ng jeep na dagdagan ng P5 hanggang P6 ang singil nila sa minimum na pamasahe. (Daris Jose)

Other News
  • PH, Spotlight Country sa Open Doors Program ng ‘Locarno Filmfest’; DANIEL, puring-puri sa dedikasyon sa pagganap sa role sa movie nila ni CHARO

    PARA sa ika-74 na edisyon ng Locarno Film Festival sa Switzerland na magsisimula sa Agosto 4 hanggang 14 nakatakdang lumahok ang Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ni Carlo Francisco Manatad sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present Competition), isang section na dedicated sa mga umuusbong na director mula […]

  • Prophecy of an Apocalypse Forces Family to Give Up a Life in M. Night Shyamalan’s “Knock at the Cabin

    ACCLAIMED filmmaker M. Night Shyamalan’s latest and most anticipated horror film “Knock at the Cabin” to open in local theaters on February 1 features an impressive cast of actors led by Dave Bautista along with Jonathan Groff, Ben Aldridge, Rupert Grint, newcomer Kristin Cui, Abby Quinn and Nikki Amuka-Bird. “Knock at the Cabin” centers on […]

  • Boxers bumida: ABAP, NSA of the Year sa PSA

    PARARANGALAN ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang Amateur Boxing Association sa gaganaping SMC-PSA Annual Awards Night ngayong Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.   Ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang tatanggap ng National Sports Association of the Year.   Apat sa mga kilalang boksingero ng bansa ang naging dahilan […]