• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dengue cases tuloy sa pagsirit

PATULOY  ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 118,785 mula Enero 1 hanggang Agosto 13, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Mas mataas ito ng 143% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 48,867 lamang noon, ayon kay DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Pinakamaraming naiulat na kaso ng dengue sa Region III na may 21,247 kaso o 18%, kasunod ang Region VII na may 11,390 kaso o 10% at ikatlo ang National Capital Region na may 11,064 o 9%.

 

 

Mula nitong Hulyo 17 hanggang Agosto 13, nasa 19,816 kaso ng dengue ang naitala kung saan pinakamataas sa Region 3 na may 3,457, kasunod ang NCR na may 3,131 at CAR na may 2,106 kaso.

 

 

Nabatid rin na anim sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa ‘epidemic threshold’ sa nakalipas na apat na linggo.  Kabilang dito ang Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, CAR, at NCR. (Daris Jose)

Other News
  • Kahit more than a year pa lang ang relasyon: CARLO, ‘di na pinatagal kaya pinakasalan na si CHARLIE

    TAMA ang kumalat na balita noong Sabado, na may celebrity couple na ikakasal kinabukasan, araw ng Linggo.       Sa Metrogate Silang Estates sa Cavite nga ginanap ang kasal nina Charlie Dizon at Carlo Aquino.       Ilan sa mga ninong at ninang na kinuha ng dalawa ay mga big bosses ng ABS-CBN […]

  • Pdu30, ibebenta ang mga ari-arian ng pamahalaan na walang pakinabang

    TALAGANG ibebenta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga ari-arian ng gobyerno na wala namang pakinabang.   Subalit, nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na gagawin ito ng Pangulo kung kinakailangan na ng taumbayan. “Uulitin ko lang po ang sinabi ng Presidente, talagang ibebenta niya ang lahat kung kinakailangan ng taumbayan,” ayon kay Sec. Roque. […]

  • PCSO chief Robles, pinagbibitiw

    HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles na magbitiw dahil sa kabiguan umano nitong protektahan ang kabataan, lalo na ang mga bata mula sa e-lotto o online lotto project ng ahensiya.     “It is accessible to anyone, even to young children whose […]