• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa launching ng kanyang ‘Love Local’ series… Sen. IMEE, aalamin ang mga sikreto ni BORGY sa exclusive and must-watch vlog

ISA na namang kapana-panabik na bonding session kasama si Senator Imee Marcos dahil sasalubungin niya ang buwan ng Setyembre sa pamamagitan ng dalawang bagong vlog entries na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel.

 

Sa araw na ito, Setyembre 2, opisyal na ilulunsad ni Sen. Imee ang pilot episode ng kanyang ‘Love Local’ series, habang ipinapakita ang pinaka-bonggang natuklasan mula sa kanyang probinsya na Ilocos Norte.

 

Una niyang pinuntahan ang Paoay Church na kung saan tinikman niya ang mga masasarap na pagkain na mabibili sa paligid nito tulad ng sikat na sikat na Ilocos empanada, fruit ice creams, halo-halo, at ang one-of-a-kind longganisa pizza.

 

Pumunta rin ang walang kapaguran na Senadora sa La Preciosa kung saan ipinakita niya ang mga paboritong pasalubong mula sa Ilocos gaya ng banana chips, mushroom bagnet, at iba’t-ibang klase ng longganisa. Tinikman din niya ang masasarap at sikat na mga lutuin ng Ilocos.

 

Bilang isang taga-suporta ng local fashion at homegrown artists, ipinagmalaki rin ni Sen. Imee ang mga export quality na Inabel at Binakol fabrics ng lalawigan.

 

At ngayong Sabado, Setyembre 3 naman, umupo si Imee kasama ang kanyang anak na si Borgy Manotoc para sa isang exclusive and must-watch vlog. Na kung saan tinanong niya si Borgy ng mga nakaloloka at kuwelang mga tanong sa isang nakatutuwa at heartwarming na episode na tiyak na pag-uusapan ng mga netizens.

 

Alamin ang mga best picks ni Sen. Imee mula sa Ilocos at tunghayan kung malalaman niya ang mga personal na sikreto ng anak na si Borgy. Mag-subscribe lang sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured para mapanood ang kanyang latest and previous vlogs.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads January 9, 2021

  • Hindi naman kailangan na may relasyon: DERRICK, inaming mahal niya si ELLE at nag-a-‘i love you’

    SA mediacon via Zoom ng Return To Paradise ng GMA, inamin ni Derrick Monasterio na nag-a-‘I love you’ siya kay Elle Villanueva.     Pero wala raw silang relasyon, ayon pa rin kay Derrick.     Hindi naman raw porke sinasabihan niya ng ‘I love you’ si Elle ay nangangahulugang may relasyon na sila.   […]

  • 3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela

    TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. […]